Ogie ibinuko ang iyakan nina Regine at anak na si Leila dahil sa ‘PA’
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 7, 2017 - 12:45am

Inamin ni Ogie Alcasid na nasaktan at napaiyak ang asawa niyang si Regine Velasquez pati na rin ang eldest daughter niya kay Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid dahil sa natamong pangba-bash sa social media kamakailan.

Nag-post kasi si Leila sa kanyang social media account ng larawan nila ni Regine at nilagyan ng caption na “PA (personal assistant) for the day”.

Tila hindi ito nagustuhan ng mga fans ni Regine kaya katakut-takot na pangba-bash ang natanggap ni Leila.

Paliwanag ni Ogie kahapon sa episode ng Magandang Buhay kung saan ay guest sila ni Leila, “kasi sila (Regine and Leila) naman, may biruan sila. Alam mo naman ‘yung asawa ko, napaka-down-to-earth nu’n di ba? So, sasabihin niya, ‘I’m her PA for today’. I guess, mayroong mga fans niya na – hindi ko alam kung ganu’n ba talaga – parang nasaktan nun’g nag-post siya (Leila) na ‘she’s my PA for today’ but she really meant that in a very affectionate way, no? ‘Yun ang lambingan nila.”

Dahil nga sa inabot na pangba-bash, napaiyak na raw sina Leila at Regine.

“Nun’g nakita ko na umiiyak na ‘to (Leila), tapos umiiyak na rin ang asawa ko dahil nasaktan siya. Nasaktan siya, ‘yun ang katotohanan du’n,” sey ni Ogie.

Ayon pa sa singer, sana naman ay maging considerate ang ibang tao sa feelings ng kapwa nlla.

“I think, tayo, we should also be considerate, di ba? Saka kung meron tayong sasabihin siguro sa social media, ‘yung magaganda na lang. Kasi marami nang hatred sa mundo, eh. Magmahalan tayo, ‘yun ang pinaka-importante,” pahayag ni Ogie.

Samantala, sobra ang pasasalamat ni Ogie kay Regine dahil sa pagmamahal sa anak niya kay Michelle Van Eimeren.

“Nagpapasalamat ako sa asawa ko dahil you know, in-embrace niya ‘yung mga anak ko na parang kanya rin. Kakaiba ‘yun, na-appreciate ko and I just wanna honor my wife because. . .” parang maiiyak na sabi ni Ogie kaya hindi na niya naituloy pa at sinalo na rin siya ng mga hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Jennylyn halos hindi na kumakain para pumayat pa

Sobrang inip na inip na ang mga fans ni Jennylyn Mercado sa pag-ere ng most anticipated Pinoy version ng My Love From The Star.

Bagama’t wala pang inaanunsyong date ng airing ang serye, ang alam namin ay itong March na ito kaya hindi na rin naman magtatagal at mapapanood na rin nila ito finally.

Sa latest interview nga kay Jen, inamin niyang nahirapan siya talaga sa kanyang role bilang Steffi Cheon.

“Para sa akin, this is the most challenging soap ever. Hindi porke’t rom-com (romantic-comedy) siya, madali siyang gawin. Para nga sa akin, ito ‘yung pinamakahirap,” say ni Jen sa panayam ng GMA-7.

“’Yung character ni Steffi, hindi siya madali - ang outfit ni Steffi, tapos ‘yung mga kabaliwan niya, ‘yung mga pangyayari sa buhay niya,” sey pa ni Jen.

Matatandaang nag-training pa si Jen ng modeling under Jonas Gaffud since isang commercial model at sikat na artista nga ang role ni Steffi na sobrang glamorosa.

Sa serye ay marami raw silang maibabahagi sa manonood tungkol sa buhay ng isang artista at ang mga hirap na dinaranas para lang maging maganda at payat sa mata ng publiko. Na makikita raw ng viewers kung paanong halos hindi na kumakain ang artista para lang maging slim.

At dahil nga medyo matagal-tagal na rin silang nagti-taping, nagkakakilanlan na raw sila nang husto ng leading man niya na si Gil Cuerva.

“Wala nang ilangan, medyo masaya na. Hindi na nahihiya, ganyan. Okay na,” sey pa ni Jen.

Bukod sa taping, puspusan na rin ang promo for My Love from the Star and in fact, panay ang mall tour ngayon nina Jen and Gil.

OGIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with