Alden at Maine absent sa birthday dinner nila!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 4, 2017 - 11:41pm

First time na nagkasama-sama last March 2, sa isang intimate dinner sina Teddy at Mary Ann Mendoza, parents ni Maine Mendoza at si Ri­chard Faulkerson Sr., daddy ni Alden Richards. 

Kapag naggi-guest lamang sila sa special presentation for Maine and Alden sa Eat Bulaga sila nagkakasama noon. This time ay sa private dinner sila nagkaharap na hosted ng balikbayan friends of Nanay Dub (Mary Ann) from UK, si Jane Perry at May Ravana from New Jersey, with Mareeya Rivers from California last March 2, sa Gazebo Royale in Quezon City na pawang AlDub fans.

Ang dinner ay para i-celebrate ang birthday ni Nikki Mendoza-Catalan, older sister ni Maine na birthday noong araw na iyon, birthday salubong for Maine’s birthday ng March 3, at post birthday cele­bration din para kay Alden noong January 2.  

Pero nagkataon naman parehong may work sina Alden at Maine sa nasabing araw. Maaga pang pumunta ng La Union si Alden para mag-guest sa beauty pageant sponsored ni Gov. Packoy Ortega. Hosts ng pageant sina Boy Abunda at AiAi delas Alas. 

Si Alden ang nangharana sa mga kandidata at kinanta niya ang Wish I May at God Gave Me You, na identified sa kanila ni Maine. Chairman naman ng jury si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

May laglagan portion din sina AiAi at Alden dahil nga ilang oras na raw lamang ay birthday na ni Maine, three hours and a half na raw lamang, sabi ni Alden. After his songs, bumalik na rin ng Manila si Alden.

Si Maine naman ay nasa Broadway studio dahil nagri-rehearse ng numbers na gagawin niya today sa birthday celebration niya sa Eat Bulaga. Nag-sorry siya sa mga bisita nila ni Alden na hindi sila nakadalo dahil kailangan ding mag-rehearse nito.

Glaiza at Marx may kilig factor

Post ni Direk Mark Reyes ng Encantadia sa kanyang Instagram account na “Something is beginning to burn” na caption niya sa ipinadalang picture nina Glaiza de Castro at hunk model na si Marx Topacio. Kung familiar kayo sa pangalan ni Marx, siya ang boyfriend ni Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina. Ginagampanan ni Glaiza ang role ni Hara Pirena at si Marx naman si Azulan ng tribong Punjabwe. Allowed ba naman ni Maxine ang pag-aartista ng boyfriend?

Mas na-excite pa nga raw si Maxine nang malaman niyang nakuha sa Encantadia si Marx dahil matagal na pala niyang pinapanood ang tele­fantasiya. At marami namang netizens ang natuwa sa bagong pangyayari sa fantaserye.

Sabi nila hindi na raw isang halaman si Pirena, may lovelife na ito at bago pa nga raw lamang ay kita nang may chemistry ang dalawa.

 

MARY ANN MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with