^

Pang Movies

Drama Actress naniningil ng TF sa party ng network executive!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malaki na raw ang pinagbago ng ugali ng drama actress na ito nang minsan imbitahan siya para sa isang intimate birthday surprise dinner para sa isang network executive.

Alam kasi ng mga nag-organize ng salu-salu na ito na close ang drama actress sa naturang network executive. Kaya hindi na raw nila pinadaan sa manager nito ang imbitasyon dahil alam nilang magye-yes sa invitation ang drama actress.

Noong i-text nila ang invitation sa drama actress, nag-reply daw ito ng: “Pls get in touch with my ma­nager.”

Doon pa lang ay nalokah na ang organizer dahil hindi naman daw trabaho ang invitation na iyon. Para iyon sa isang surprise birthday dinner ng isang taong close sa kanya.

Sumagot ang organizer na: “Bday dinner lang ito for ____. Do we need to contact your manager for this?”

Sagot daw ni drama actress: “Yes. Contact my manager.”

Noong tawagan na ang manager ni drama actress, natuwa naman ito na naalala nilang imbitahan ang drama actress. Balikan daw nito ang organizer kapag nagkausap sila sa araw na iyon.

After an hour ay nag-text ang manager ng: “May TF daw ba ito?”

Lalong nalokah ang organizer dahil hindi naman daw sasayaw, kakanta or aarte si drama actress sa birthday dinner. Gusto lang nilang nandoon ang presence niya para sa ikatutuwa ng birthday celebrant.

Sagot ng organizer: “Ha? TF? Magpapabayad po siya para makipag-dinner sa taong kilala niya? Surprise bday dinner po ito for ____. Hindi po ito event or show.”

Sumagot agad si manager: “Sori. Gusto nya may TF. Nxt tym na lang daw.”

Sa inis ng organizer, sinagot niya ang manager ng: “Der wil be NO NXT TYM. I will tell the Bday celebrant na nagpapabayad sya kaya wala sya. Ganyan na pala sya…”

Hindi na raw sumagot ang manager para ipagtanggol ang drama actress na mukhang pera ngayon at kinalimutan na ang mga taong tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siya.

Meryl Streep galit na galit, sinabotahe ng kampo ni Trump?!

Pinasinungalingan ng three-time Oscar winning-actress na si Meryl Streep ang mga paninira na ginawa sa kanya ng Chanel designer na si Karl Lagerfeld.

Ayon sa designer, pinakansela raw ng aktres ang gown na ginagawa ng Chanel para isusuot niya sa Oscar Awards dahil nakahanap na raw sila ng ibang designer at magbabayad daw ito para isuot ang gown.

 Agad daw na inilabas ito sa media ni Lagerfeld at nalagay sa hindi magandang sitwasyon ang award-winning actress.

Naglabas ng kanyang official statement ang galit na galit na si Meryl Streep dahil tila sinisira raw ng designer ang kanyang kredibilidad bilang isang celebrity.

“I do not take this lightly, and Mr. Lagerfeld’s generic ‘statement’ of regret for this ‘controversy’ was not an apology.

“He lied, they printed the lie, and I am still waiting,”  bahagi ng statement ni Meryl.

Naglabas naman ng isang apology letter ang Wo­men’s Wear Daily kung saan unang lumabas ang mga sinabi ni Lagerfeld against Streep.

“Chanel engaged in conversations with Ms. Streep’s stylist, on her request, to design a dress for her to wear to the Academy Awards. After an informal conversation, I misunderstood that Ms. Streep may have chosen another designer due to remuneration, which Ms. Streep’s team has confirmed is not the case. I regret this controversy and wish Ms. Streep well with her 20th Academy Award nomination.”

Nagsalita na rin ang rep ni Streep at sinabi nito na never daw nagpabayad ang aktres sa sinumang designer.

Nasa moral code raw ito ng aktres na hindi siya tatanggap ng bayad para lang isuot ang isang red carpet gown.

Naglabas naman ng statement ang Chanel at nag-apologize rin sila sa aktres.

Sa nagdaang Oscar Awards Red Carpet, ang suot na gown ni Meryl ay gawa ng designer na si Ellie Saab.

May mga Hollywood insider ang nagsabi na baka isang paraan ng pagsabotahe ito kay Meryl ng mga tauhan ni U.S. President Do­nald Trump.

Isa kasi si Streep sa very vocal sa kanyang pag-bash sa kakaupo lamang na U.S. president lalo na ang pag-ban nito sa mga immigrants.

Si Lagerfeld ay kilala ng marami na very close kay Trump at ito ang gumagawa ng mga damit ni U.S. First Lady Melania Trump.

Kung matatandaan ay pinatamaan ni Streep si Trump sa kanyang ginawang acceptance speech sa Golden Globe Awards noong January.

 

MERYL STREEP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with