^

Pang Movies

Rufa Mae wala nang paki sa katabaan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rufa Mae wala nang paki sa katabaan
Rufa Mae Quinto

Hindi na raw obsessed si Rufa Mae Quinto sa kanyang seksing katawan noon. Mas gusto na raw niyang maging mabuting ina para sa kanyang baby girl na si Alexandria.

Kung noon daw ay very conscious si Rufa Mae sa kanyang figure, ngayon ay bale-wala na raw ang pagtaba niya dahil masaya siyang mommy sa kanyang panganay.

Excited nga siya dahil sa pagiging first-time mom at hands-on siya sa pag-alaga kay Baby Alexandria.

Heto ang pinost ni Rufa Mae sa Instagram:

“Ako naman ay super mother role araw at gabi, ganito pala maging nanay, Ikaw na lahat hands on kahit may nurse sya 24 hours, ako ay hands on from breast feeding, lullaby, wiwi, poop, change diaper, change clothes, saddle, pa burp, everything hay life ang sarap sulit ang pag-antay ko sayo anak.

“Mahal na mahal kita, mabait sya, iyak lang pag gutom, change diaper, clothes and hirap mag-latch. Sana naman wag ka magbago my little bundle of joy, my princess, my señorita, donya , baby girl!

“Kahit nag bago buhay ko at pangangatawan, namanas na ako para lang mapakain ka,  maging buo at healthy ka, deadma to myself, mahal kita, salamat po sa inyo ng lahat all the greetings and gifts. And concern parang post partum.  Wala pa sa ngayon.  Sana wag na lumaganap sa isip ko at pangangatawan, salamat sa concerns countrymen I love you all. @alexandriamagallanes says goodnight all #athenalaexandriamagallanes

Nanganak si Rufa Mae noong nakaraang February 17, 2017. Thankful ang former sexy comedienne na hindi siya nakaranas ng postpartum depression after niyang manganak.

Semi-retired actress selos na selos sa dalawang seksing bestfriend ng mister!

Pinagseselosan daw ngayon ng semi-retired actress na ito ang dalawang aktres na close sa mister niya ngayon.

Mas pinili kasi ng aktres na ito na sundin ang puso niya at iwan ang sana’y very promising career sa showbiz.

Ngayon ay parang nakakaramdam ito ng selos dahil ang kanyang mister na very active pa sa entertainment scene ay nagiging malapit sa dalawang magaganda at seksing mga aktres ngayon.

Wala naman daw magawa ang semi-retired actress kung hindi ang magtiis na lang sa pagpanood sa TV sa kanyang mister na nakikipagharutan sa mga magagandang babae.

“Yan naman kasi ang hirap. Piliin mo ang maging misis at madir, ngayon nagseselos ka. Baliw ka, ‘di ba?” tsika pa ng source namin na close sa semi-retired actress.

“May pronouncement ka pa na tama ang naging desisyon mo dahil importante ang love. Eh bakit ngayon nagngingitngit siya dahil sa selos? Kala ko ba love conquers all?

“Sinayang lang niya ang ganda at sexy niya. Sisikat pa naman siya ng bongga. Kaso mas inuna ang maghanap ng asawa at magkaroon ng pamilya.

“Hindi ko naman sinasabi na mali ang desisyon niya, pero sana inisip niya na sayang ang mga taong nag-push sa kanya na maging artista tapos ‘yun pala mag-aasawa ka lang.

“Kaya tiis ka na lang sa mga napapanood mo. Magselos ka man diyan, wala kang choice. Pinili mo ‘yan kaya panindigan mo.”

Hollywood actor na si Bill Paxton biglaan ang pagkamatay

Ikinagulat ng maraming taga-Hollywood ang biglaang pagkamatay ng 61-year actor na si Bill Paxton.

Kumplikadong sanhi ng pinagdaanan nitong heart surgery ang dahilan ng kanyang pagpanaw noong nakaraang February 25, 2017.

Nagpadala agad sa media ng official statement ang pamilya ni Paxton:

“It is with heavy hearts we share the news that Bill Paxton has passed away due to complications from surgery.

“A loving husband and father, Bill began his career in Hollywood working on films in the art department and went on to have an illustrious career spanning four decades as a beloved and prolific actor and filmmaker.

“Bill’s passion for the arts was felt by all who knew him, and his warmth and tireless energy were undeniable.

“We ask to please respect the family’s wish for privacy as they mourn the loss of their adored husband and father.”

Nakilala si Paxton sa mga pelikulang Weird Science, Twister, Titanic, Apollo 13, A Simple Plan, Aliens at Terminator.

Na-nominate ng dalawang beses sa Emmy at Golden Globe Awards si Paxton para sa mga TV series na Hatfields and McCoys at Big Love.

Kasalukuyang nasa cast ng TV series na Training Day si Paxton nang bigla itong pumanaw.

Huling natapos nitong pelikula ay The Circle kung saan co-stars niya sina Emma Watson at Tom Hanks.

 

RUFA MAE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with