Baste Duterte
Artista na ako! – Baste
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 28, 2017 - 12:00am

Parang gusto naman talagang mag-artista ni Baste Duterte base sa pre-interview video ng TV5 anchor/reporter at kaibigang si MJ Marfori Oida.

Say ng presidential son : “Ma, pa, artista na ako,” sabay tawa nito sa nasa­bing video.  Ginawan kasi ng isyu ang matagal na nilang video upload ni Ellen Adarna na kesyo nagti-trip daw ang dalawa at bangag na imposible naman nilang aminin o gawin at i-upload pa sa social media kaya siya hinahabol sa interview.

Dialogue pa ni Baste : “Sa mga taga-Davao, artista na ako,” sabi niya pa sa puntong Visaya sa nasabing interview ni MJ.

Auditors umamin sa kapalpakan sa Oscars

So ‘yun nga, ang auditors ng Oscars ang may kagagawan ng lahat kung bakit nagkaroon ng Steve Harvey moment ang announcement ng Best Picture na imbes na Moonlight ay ang La La Land ang unang tinawag nina Warren Beatty at Faye Dunaway. Mali ang naiabot sa kanilang envelope na hindi rin naman nila tinanong o pinagdudahan na mali pala ‘yun.

“The presenters had mistakenly been given the wrong category envelope and, when discovered, was imme­diately corrected,” sabi ng accounting firm.

Ang kaibahan lang sa Miss Universe na si Pia ang nanalo pero si Miss Colombia ang unang tinawag, si Steve Harvey ang nagkamali sa pagbasa kahit tama ang binigay sa kanyang resulta.

Teka napanood na ba sa bansa ang Moonlight? Ang La La Land sure ako dahil napanood ko na.

Pero sa rami nang pangyayari sa paligid natin – pulitika at transport strike, may time pa ba ang ordinaryong tao sa Steve Harvey moment sa Oscars?

BASTE DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with