^

Sharon nadudungisan na ng pulitika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 27, 2017 - 12:00am

Aywan kung napapansin din ninyo, pero biglang hindi na naman napag-uusapan iyong sinasabing come back movie ni Sharon Cuneta.

Natatandaan namin, ang unang sinabi riyan ay sisimulan sana noong August pa ng nakaraang taon. Hindi naman umubra ‘yun dahil sa tingin nila ay mataba pa rin ang Megastar.

Bago natapos ang taon, umingay na naman dahil may sinasabi pang gumagawa sila ng survey para malaman kung sino talaga ang gusto ng fans na makatambal ni Sharon. Umugong noon ang panga­lan ni Richard Gomez, pero hindi puwe­de dahil kumandidato siya ulit at nanalong mayor ng Ormoc, at ito namang si Goma ay gusto munang mag-concentrate bilang ma­yor.

Tapos umugong na kasama raw si Sharon sa pelikula ng isang sikat na love team, eh mukhang plantsado na ang lahat ng pelikula ng mga magkaka-love team, may naipalabas na nga pero walang balita na kasama sa isa sa mga iyon si Sharon.

Tapos umugong ang Sharon-Gabby Con­cep­cion team up ulit. Sa kuwento muk­hang sisimulan na, tapos biglang wala na namang usapan.

In the mean time, naaapektuhan na si Sharon ng katotohanang matagal na siyang walang mga project na ginagawa. It seems iyong popularidad niya ay naapektuhan na rin ngayon ng mga relasyon niyang personal na medyo may kinalaman din sa pulitika.

Kailangan makapag-come back na si Sharon bago pa mas sumama pa ang sitwasyon.

Do or die na ang laban. Kailangang pagsikapan na ang kanyang come back movie ay maging isang malaking hit. Huwag na siyang magpa-indie-indie. Magiging suicide iyon para sa kanyang career.

Kailangan ni Sharon ang isang malakas na project. Aba eh gawan na nila iyan ng paraan at all cost. Kung hindi, baka mangyari rin sa career niya ang sinapit ng dating Superstar, na wala nang nangyari dahil napakatagal na nawala.

Goma kumulo ang dugo

Nabanggit na rin lang si Richard Gomez. Nahalata naming nainis si mayor nang mapanood ang isang kumalat na video sa Internet na nagpapakita sa isang retired singer na dinuduro ang ilang mga demonstrador noong isang araw.

Nakapag-comment si Goma sa video, at nagsabing “kung sa akin gagawin iyan sasapakin ko iyan”.

Una, hindi naman magagawa ang ganoon kay Goma. Bukod sa isa siyang kinikilalang actor na sikat hanggang ngayon, mayor pa siya. Kung doon nga lang sa mga kabataan marami na ang nagmumura sa retired singer, eh ‘di lalo na kung ginawa niya iyon kay Goma.

Natawa kami pero pinaalalahanan nga namin si Goma na huwag niyang patulan iyon dahil hindi naman niya iyon ka-level. Nag-like naman si Goma sa sinabi namin.

Nakakadismaya naman kasi iyong ganoon eh, iyon bang kung kailan tumanda ay saka nawala sa ayos.

Pero may nagsasabi naman na unawain na lang, dahil talagang mainit ang ulo ng isang tao lalo na at wala na ngang career.

Sen. Bong at sen. Jinggoy laging nakangiti

Hindi namin alam kung bakit ang lumalabas na mga picture ngayon nina dating Senador Bong Revilla at dating Senador Jinggoy Estrada ay laging nakangiti.

Hindi naman siguro sila ang nagpo-post ng mga iyon sa internet pero palagay namin iyong mga nagpo-post noon ay iniisip na ganoon ang sitwasyon ngayon ng dalawang dating senador.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with