Kiko hindi pa rin kinakausap ni Barbie
Kiko hindi pa rin kinakausap ni Barbie
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 25, 2017 - 10:57pm

Trabaho ang reason ni Kiko Estrada sa break-up ng short-lived romance nila ni Barbie Forteza. At hindi man idinitalye ni Kiko, mukhang si Barbie ang nang-iwan sa kanya dahil that time raw, naging very busy siya at kailangan niyang mag-focus sa character niya sa Sinungaling Mong Puso ng GMA-7. Then nag-shooting din siya sa Regal Films ng Pwera Usog. Pero ipinagpasalamat niya sa Regal Films na nabigyan siya ng chance na makagawa ng movie sa kanila at nakatambal niya for the first time si Devon Seron at first time rin niyang nakatrabaho si Direk Jason Paul Laxamana.

Mapapanood ang Pwera Usog simula sa March 8 in cinemas nationwide.

May balak ba siyang balikan si Barbie? Ayaw pa raw makipag-usap ni Barbie sa kanya at inirerespeto raw niya iyon. Pareho raw silang nasaktan sa break-up, pero mahal pa rin niya ang young actress at anuman ang desisyon nito, inirerespeto niya.

Pero paano nga sila magbabalikan, kung parehong busy sila ngayon? Si Barbie, sa kanyang primetime romantic-comedy series na Meant To Be at si Kiko naman, abala sa kanyang mga training para sa bago niyang fantaserye sa GMA-7 na Mulawin vs Ravena nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Eula hindi akalaing magku-kontrabida 

Kababalik lamang ni Eula Valdez mula sa US vacation after ng Hahamakin Ko Ang Lahat afternoon prime drama series sa GMA-7. Kinailangan niyang bumalik agad dahil may panibago siyang project na hindi rin pala niya ini-expect. Pero labis ang pasasalamat ni Eula nang tawagan siya ng GMA-7 para sa isang bagong role sa telefantasyang Encantadia.

Gagampanan niya ang role ni Reyna Avria, ang huling reyna ng Encantadia. Isang reynang malupit at malaking kalaban ng mga Diwatang sina Hara Danaya (Sanya Lopez), Sang’gre Pirena (Glaiza de Castro), at Sang’gre Alena (Gabbi Garcia). 

Masaya rin si Eula na makakapag-promote pa siya ng bago niyang movie sa Regal Films, ang horror movie na Pwera Usog kung saan ginagampanan niya ang role ni Catalina na naka-possess kay Luna (Devon Seron) at maghasik ng takot sa bayan. Kasama rin nila rito sina Aiko Melendez, Sofia Andres, Joseph Marco, Cherise Castro, Albie Casiño, at Kiko Estrada.

Barbie at apat na boylet  makikigulo sa Panagbenga

Balik naman kay Barbie Forteza, kasama niya ngayon ang apat na leading man niya sa Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj sa Kapuso Fan’s Day, in connection sa Panagbenga Festival sa Baguio City. 

Sa Sunshine Park in Baguio City ang kanilang fans day at katuparan ito sa matagal nang requests ng fans ng kanilang serye. 

 

KIKO ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with