Juancho nagbawas ng trabaho para sa AlDub
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 23, 2017 - 12:00am

Matagal din bago nabigyan ulit ng teleserye ang Kapuso actor na si Juancho Trivino. Huli nitong ginawa ay ang Magkaibang Mundo kung saan ka-partner niya si Louise delos Reyes.

Kasama si Juancho sa inaabangan na primetime teleserye ng GMA-7 na Destined To Be Yours at gaganap siya sa isang supporting role bilang kababata ni Maine Mendoza na lihim na umiibig dito.

Marami tuloy ang nagtanong kung bakit mula sa pagiging bida ay bumalik ulit siya sa supporting role?

For me kasi, katulad ng sinasabi palagi ng ibang tao, there are no small roles, only small actors.

“Every work, every role is a blessing for me. And siyempre kasama ko dito, AlDub ‘di ba? It will get the attention it always has.

“I think this will be good for my career also. Marami pa rin naman talagang nag-congrats sa akin kahit na nag-lead na ako and I got this role. We’ll see what will happen,” ngiti pa niya.

Regular din naman napapanood si Juancho sa mga Kapuso shows na Bubble Gang at Unang Hirit. Pero mukhang iiwan niya pansamantala ang isang show dahil sa teleserye.

 “Magko-concentrate muna ako sa teleserye. Medyo mahirap din kasi para sa akin ‘yung marami kang work na sunud-sunod kasi nahahati ‘yung atensiyon mo sa karakter or nawawalan ka ng tulog at nawawalan ka ng pahinga,” pagbabahagi pa ni Juancho.

Jennifer Garner at Ben Afflect opisyal na ang hiwalayan

Opisyal na ngang idi-divorce ng Hollywood actress na si Jennifer Garner ang kanyang estranged husband na si Ben Affleck pagkatapos ng dalawang taon na sinubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Noong 2015 inanunsyo ni Jennifer at Ben na maghihiwalay na sila pagkatapos ng higit na sampung taong pagsasama bilang mag-asawa.

Naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang diumano’y pakikipagrelasyon ni Ben sa nanny ng kanilang tatlong anak na si Christine Ouzounian.

Kahit hiwalay na sila at wala pang opisyal na divorce papers na inihahain si Jennifer, hindi rin umalis si Ben sa kanilang marital home. Tumira lang siya sa guest house ng kanilang bahay para hindi siya nalalayo sa kanilang tatlong anak.

Ito ang naging arrangement nila ni Jennifer hanggang sa magdesisyon na itong mag-file ng divorce.

Sa huling interview ni Jennifer sa Vanity Fair, nasabi pa niyang isa sa most brilliant person na tao si Ben.

“I didn’t marry the big fat movie star; I married him. And I would go back and remake that decision. I ran down the beach to him, and I would again.

“He’s just a complicated guy. I always say, ‘When his sun shines on you, you feel it.’ But when the sun is shining elsewhere, it’s cold. He can cast quite a shadow.”

Ospital sa Kurdistan iPinangalan sa Legendary Doctor

Sumabay na rin sa Koreanovela bandwagon ang new and improved government-owned TV station na PTV-4.

Sa hangad nilang makasabay sa mga hilig ng mga millenials ngayon, as far as televiewing is concerned, nag-acquire na rin sila ng isang hit Koreanovela na The Legendary Doctor.

Nagsimula itong umere noong February 18 at mapapanood every Saturdays and Sundays.

Ang Legendary Doctor ay may original title na Hur Jun. Pinalabas ang period drama na ito tungkol sa buhay ng isang Joseon-era doctor sa MBC noong 1999 hanggang 2000.

Umabot ito sa record-breaking viewership rating na 64 percent.

Ang bida ng The Legendary Doctor ay si Jun Kwang-ryul na nakilala sa paglabas niya sa mga hit Koreanovelas na Jumong at King of Baking: Kim Takgu na pinalabas dito sa atin as The Baker King.

Umere internationally ang The Legendary Doctor sa Taiwan Television in 2002, sa TVB ng Hong Kong in 2005 at sa Thailand in 2006.

Nang umere ang naturang Koreanovela sa bansang Kurdistan (Iraqi Kurdistan) noong 2011, pinangalanan nila ang kanilang ospital na Hur Jun. Binisita naman sila ni Jun Kwang-ryul noong 2012.

Nagkaroon ng remake ang The Legendary Doctor in 2013 at may titulo itong Hur Jur, the Original Story. Ang Korean actor na si Kim Joo-hyuk ang gumanap sa title role.

JUANCHO TRIVINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with