Arnold ginawang negosyo ang bisyo
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 23, 2017 - 12:00am

Love ko si Arnold Clavio kaya hindi ko dinedma ang kanyang imbitasyon na bisitahin ko ang bagong business venture niya, ang Kapihan ni Igan & Bar sa Brixton Street, Bo. Kapitolyo, Pasig City.

For the love of Arnold, bumiyahe ako sa Pasig na malayo na para sa akin pero hindi naman nasayang ang pagpunta ko dahil very relaxing ang ambience ng coffee shop at bar ni Arnold.

Booming ang restaurant business sa Kapitolyo area ng Pasig kaya dito naisip ni Arnold na itayo ang kanyang negosyo.

Namumukod-tangi ang Kapihan ni Igan & Bar sa mga nakahilera na eatery sa Brixton St. na naging popular bilang ito rin ang location ng Locavore, ang dinarayo na restaurant ng mag-asawang Mark Lapid at Tanya Garcia.

Bagay na bagay kay Arnold ang coffee shop niya dahil mahilig siya na uminom ng kape na isang bisyo ng mga broadcast journalist.

Must try ang mga kape sa Kapihan ni Igan, lalo na ang masasarap na all day breakfast food. Kung may three in one coffee, two in one naman ang negosyo ni Arnold dahil coffee shop ito sa umaga at bar sa gabi.

Sarah may libro na rin, ikukwento ang romansahan nila ni Richard!

Maglalabas ng sariling libro si Sarah Lahbati at siyempre, ang VRJ Books ang publisher dahil contract star siya ng Viva Artists Agency.

Hands on si Sarah dahil siya ang pumipili ng mga litrato na ilalagay sa libro na inaabangan ng fans niya. Tumutulong din siya sa proof reading ng kanyang coming soon book.

Curious ang fans kung ibabahagi ni Sarah sa libro ang makulay at inspiring love story nila ni Richard Gutierrez.

Kahit nagsasama na sila at may isang anak, hindi open sa public ang kuwento ng pagmamahalan nina Sarah at Richard.

Impostor sa social media papatawan ng parusa

Agree ako sa isinusulong na batas sa Kongreso na patawan ng parusa ang mga Internet user na gumagamit ng mga fake social media account.

Sa totoo lang, mga perwisyo sila sa lipunan dahil nagkakalat sila ng mga balita na hindi totoo at ginagamit nila ang mga fake social media account para manira at manakot ng kap­wa.

Hindi ako sure kung may batas na rin laban sa identity theft pero kung meron na, palawakin pa sana ang batas para hindi na maging biktima ang mga tao, lalo na ang mga inosente na kagaya ko.

Maraming beses na ako na na­ging biktima ng identity theft at hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang mga impostor ko na gandang-ganda yata sa akin kaya pilit nilang ginagaya pero hindi mapantayan.

Nakakaloka ang mga impostor ko pero mas kalurky ang mga alaga at kaibigan ko sa showbiz na ipinagmamalaki pa na Facebook friends kami, kahit paulit-ulit ang pagsasabi mo na wala akong Facebook, Twitter o Instagram account! Hindi ko na kasalanan kung niloloko sila ng mga impostor ko dahil hindi ako nagkulang ng reminder ‘no!

Ang mga artista ang madalas na biktima ng identity theft dahil nagkalat sa social media ang mga litrato nila.

ARNOLD CLAVIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with