^
Solenn nakakaarte na!
Solenn Heussaff

Solenn nakakaarte na!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 21, 2017 - 12:00am

Nakakatanggap ng mga papuri si Solenn Heussaff dahil sa kanyang bida/contravida role sa Encantadia.

Naging masama ang mabait na karakter ni Solenn dahil sinaniban siya ng espiritu na masama pero napansin ng televiewers ang malaking improvement ng acting ability niya.

Napatunayan ni Solenn na may acting talent siya sa tuwing ginagampanan niya ang contravida role ni Avria na dating role ni Francine Prieto sa Etheria noong 2006.

Bilang Avria, nabigyan si Solenn ng mga speaking line at ng mga challenging scene. Cassiopea ang pangalan ng another character ni Solenn sa Encantadia pero hindi ito kasingtindi ng role ni Avria.

Dream man ni Dr. Belo bihasa na sa pagtitimpla ng gatas

My dream man ang tawag ni Dra. Vicki Belo sa kanyang longtime partner na si Hayden Kho, Jr. Kasalukuyang nagbabakasyon sa Los Angeles sina Mama Vicki, Hayden at ang kanilang anak na si Scarlet.

Ikinuwento ni Mama Vicki na si Hayden ang nag-alaga kay Scarlet habang nasa 12-hour trip sila from Manila to Los Angeles.

“My dream man took care of Scarlet the whole 12-hour trip. Making her milk, standing and rocking her to sleep and dressing her up just so I could sleep straight,” ang sharing in the city ni Mama Vicki.

Loving father naman talaga si Hayden kay Scarlet at siya mismo ang nagsabi na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang isilang ang bagets.

Pinuntahan namin ni Papa Ricky Lo sina Mama Vicki at Scarlet sa bahay nila sa Makati bago sila bumiyahe sa Amerika. Saksi ako sa pagiging smart na bata ni Scarlet na two years old pa lang sa March pero sobrang talino talaga.

OFW sa Middle East nabitin sa WOWOWIN

Tagumpay ang Wowowin show sa Abu Dhabi noong nakaraang linggo at maligayang-maligaya ang mga Pinoy sa Middle East na pinanood ang game show ni Willie Revillame.

Hindi sila makapaniwala na personal na masasaksihan ang kanilang favorite game show na napapanood lamang nila sa TV.

As usual, umiral ang pagiging galante ni Willie dahil hindi umuwing luhaan ang mga Pinoy sa Abu Dhabi.

Bitin nga ang pakiramdam nila kaya hoping sila na babalik agad sa Abu Dhabi si Willie at ang grupo nito.

AiAi nominated na best actress sa New York

Congrats kay AiAi delas Alas dahil nominated siya na best actress sa Queens Film Festival sa New York.

Mga aktres mula sa ibang bansa ang kalaban ni AiAi na nominated dahil sa pagganap niya sa Area.

Sa susunod na buwan (March 19) ang awards night ng Queens World Film Festival pero hindi sure si AiAi kung makakadalo siya dahil sa kanyang busy schedule.

Kung si AiAi ang tatanungin, type niya na dumalo para mapasalamatan nang personal ang organizer ng filmfest dahil sa acting nomination na ipinagkaloob sa kanya.

SOLENN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with