Alonzo Muhlach worth P1 million ang birthday celebration!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 19, 2017 - 12:00am

Talk of the town ang bongga at engrande na 7th birthday celebration ni Alonzo Muhlach sa Circle of Fun noong Biyernes dahil ipinasara ng mga magulang niya ang theme park sa Quezon City Memorial Circle.

Sosyal din ang mga dekorasyon, bumaha ang mga pagkain at give aways kaya hindi umuwi na luhaan ang mga invited guest.

Dumalo sa birthday party ni Alonzo ang alaga ko na si Benjie Paras. Kasama ni Benjie ang kanyang asawa at mga anak na nag-enjoy sa libreng rides at magic show. Bitbit din ni Benjie si Andre Paras na nagkataon na walang taping noong Bi­yernes para sa Encantadia.

 “Secret” ang sagot ng event organizer nang usisain ng mga reporter ang budget para sa grand birthday celebration ng anak ni Niño Muhlach.

Siyempre, hindi natuwa ang mga reporter sa sagot ng kanilang tinanong. Paano nila ipo-promote ang event kung gusto ng organizer na isikreto ito?

Ano ba ‘yung sabihin nila ang totoo at ipa-off the record ang kanilang sagot kung afraid siya na habulin ng BIR?

Sa estimate ng mga reporter, gumastos ng mahigit sa isang milyong piso si Niño at hindi ito problema dahil can afford siya.

Isa si Niño sa mga pinakamayayaman na artista dahil mahusay ang kanyang tatay na si Alvaro.

Superstar si Niño noong child actor pa lamang siya at nailagay ng tatay niya sa mga maayos na investment ang kanyang mga talent fee sa pelikula na milyones.

Nagtayo noon si Alvaro ng sariling film outfit at nag-produce siya ng mga pelikula na si Niño ang bida. Walang flop na movie project si Niño noong kapanahunan niya.

Another Niño Muhlach ang tawag kay Alonzo dahil minana nito ang pagiging bibo ng tatay niya. Mas cute nga lang si Niño noong bagets pa ito.

Pero aminado si Niño na hindi na mauulit kay Alonzo ang mga karanasan niya noon bilang number one child superstar ng Pilipinas dahil iilan na lamang ang gu­magawa ng mga pelikula.

Hindi na mangyayari ang panahon na sa isang buwan, mahigit sa twenty movies na Tagalog ang ipinalalabas sa mga sinehan. Masuwerte si Nino dahil naabutan niya ang Golden Years ng Philippine movies.

Relasyon ng young comedian at aktres na may ka-love team, nabaon na!

Hindi na pinag-uusapan ang rumored secret relationship ng isang young comedian at ng aktres na nali-link sa kanya.

Parang sinadya na patahimikin at patayin ang isyu dahil makakasira ang balita sa aktres at sa ka-loveteam niya.

Hindi makakatulong sa aktres na maugnay sa young comedian na tatahi-tahimik pero matinik. Hindi hunk ang young comedian pero marami ang nababaliw sa kanya dahil malakas ang sense of humor niya. Kinaiinggitan ang young comedian dahil pinag-awayan siya noon ng magaganda at mga seksing babae.

ALONZO MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with