^

Pang Movies

Taylor Swift three months lang ang itinagal sa huling BF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagsalita na ang British actor na si Tom Hiddleston tungkol sa paghihiwalay nila ng American pop superstar na si Taylor Swift noong nakaraang taon.

Inabot lang ng three months ang romance ng tinawag ng netizens na “HiddleSwift”.

Marami ang nagulat sa biglang paghihiwalay nila pagkatapos ng mga romantic moments habang nagta-travel sila sa iba’t ibang bansa at nang makilala na ni Taylor ang parents ni Tom.

Sa interview ni Tom sa GQ magazine, sinabi nito na ang kanyang relasyon with Taylor is “real” at hindi raw ito naging isang gimik lamang.

Naging problema raw ni Tom ay ang media attention. Gustuhin daw niyang maging private sila ni Taylor, hindi raw iyon mangyayari dahil sa sobrang sikat ang kanyang girlfriend.

“A relationship always takes work. A relationship in the limelight takes work. And it’s not just the limelight. It’s everything else,” ayon pa sa aktor.

Nag-viral pa ang isang photo ni Tom na suot niya ang isang I (heart) T.S. tank top noong magkaroon ng annual beach party sa Rhode Island home ni Taylor noong 2016 July 4th celebration.

Kuwento ni Tom na noong araw na iyon ay nagkaroon siya ng back injury at kailangan niya ng shirt para maprotektahan ang injury niya sa matinding sikat ng araw.

Anak ng dating produ sobrang yaman na!

Ilang taon na ring hindi naging aktibo sa showbiz si Girlie Sevilla, ang anak ng producer na si Madame Violet Sevilla ng Violet Films.

Lumabas si Girlie sa mga pelikulang Magnifico, Kilig… Pintig… Yanig at Tatlong Baraha. Sa TV ay nakilala siya bilang ang original na Gurna sa Encantadia noong 2005.

Huling naging teleserye ay ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang noong 2009.

Pinasok ni Girlie ang corporate world noong magkaroon ito ng anak sa aktor na si Marky Lopez.

Pagkatapos ng higit na walong taon na wala sa showbiz, naging successful naman si Girlie sa kanyang pinasok na mundo. Ngayon ay branch manager na siya ng Bluegre Coffee sa Manila.

Sikat ang Bluegre Coffee sa Davao dahil sa kanilang durian coffee na paboritong inumin ni Philippine President Rodrigo Duterte noong mayor pa siya sa Davao City.

Nagbukas ng dalawang branches ang Bluegre Coffee sa BGC at sa Jose Laurel Street sa San Miguel, Manila (near Malacañang Palace).

Dahil sa bagong mundo ni Girlie, nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong at naniwala sa kanya.

“Hindi nila ako tiningnan na basta isang artista lamang. They saw that potential in me na maging isang leader, na maging isang professional.

“It took some time bago ako naka-adjust sa ganitong trabaho, pero worth it lahat kasi iniisip ko rin ang future ng anak ko. I want her to grow up na nakikita ang mommy niya na nagtrabaho para mabigay ang lahat ng pangangailangan niya,” ngiti pa ni Girlie.

Single parent si Girlie, pero nagkaayos na raw sila ni Marky at regular na raw nitong nabibisita ang anak nila.

Kristoffer babu na sa pagdi-daring

Naging emotional si Kristoffer Martin dahil sa naganap na last taping nila ng pinagbibidahan nila ni Joyce Ching sa GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat.

Inamin ni Kristoffer na mami-miss niya ang mga kasamahan niya sa te­leserye na ito dahil lagi raw silang masaya sa set.

Sa naturang teleserye nga rin naging daring na si Kristoffer at kailangan pa niyang magpalaki at magpaganda ng katawan dahil sa maraming eksenang shirtless siya.

Naging worth it daw ang hirap nila dahil panalo sila parati sa ratings.

 

TOM HIDDLESTON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with