Aktor na dating nagsusuot ng gold necklace na parang kadena, wala nang dialogue sa mga serye
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - February 10, 2017 - 12:00am

Haayyyy naku, huh! Nakita ko ulet for the third time ‘yung dating young actor na almost three years ago ko nang huling nakita. Cute siya noon at handsome talaga. Sikat na sikat siya noon at lalong sumikat ngayon!  Kaya lang, mga mature role na ang ginagampanan niya sa mga serye sa TV. Hindi na rin bida ang role niya dahil nagkaka-edad na siya although pogi pa rin pero hindi na siya nabibigyan ng papel ng isang bida.

Pero okay na rin kasi ang daming mga taga-showbiz ngayon na walang pelikula kaya puro TV shows ang ginagawa nila. Series na ang kailangan ng maraming talent para pagkakitaan.

Yes, hindi na siya bida ngayon at low profile siya. Noon kasi namamayagpag ang career ng aktor, maporma siya, maangas, feeling hindi babagsak, wika nga, mayabang. Mahilig din itong mamintas ng mga kasama niya sa trabaho at palamura siya kung mag-utos sa utility boys.

Tapos nga after ilang years, nakita ko si aktor sa taping ng isang teleserye na ang role ay no talkies at extra na lang. Wala na siyang suot na gold necklace na noon ay akala mong kadena sa kapal sa kanyang leeg. Ibig lang sabihin waley na si aktor.

Ganyan naman ang buhay artista, habang sikat ka, maraming project, maraming pera. Kaya huwag mong waldasin at mag-invest dapat sa iba’t ibang bagay na pakikinabangan. Magpatayo ng bahay at mag-impok sa bangko dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa future. At huwag makakalimot sa Diyos, huwag maging maramot sa mga kaanak!

Mga leading man ni Barbie si Ken lang ang kilala

Ang ganda ng daloy ng story ng Meant To Be. Ang cute ni Barbie Forteza at ang apat na guwapong leading men niya. So far, si Ken Chan lang ang knows ko ang name dahil nagbida na siya sa series ng GMA-7, ang Destiny Rose.

Sana ay huwag lumaylay ang rating ng nasabing programa dahil bagay sa kanila ang kanilang mga role na ginampanan, saka marunong silang magpatawa.

KEN CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with