Anak ni Melanie Marquez susubok sa Binibini!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 8, 2017 - 12:00am

Hindi pa kami nagkakausap ni Sandy Andolong kaya hindi pa ako sigurado kung sasali sa Bb. Pilipinas 2017 ang kanyang anak na si Mariel de Leon.

Unang sumali si Mariel sa Bb. Pilipinas  noong 2013 pero hindi siya pinalad na manalo. Batchmate niya sa Bb. Pilipinas 2013 si Pia Wurtzbach na first runner up noon.

Maingay rin ang tsismis na may plano si Winwyn Marquez na mag-join uli sa Bb. Pilipinas. Na­ging contestant si Winwyn noong 2015. Batchmate niya si Pia na sumali sa pangatlong pagkakataon, nakuha ang Bb. Pilipinas-Universe title and the rest is history.

Narinig ko ang balita na interesado na sumali sa Bb. Pilipinas 2017 si Michelle Marquez Dee, ang bunsong anak ni Melanie Marquez at ng ex-husband nito na si Derek Dee.

Kung sasali si Michelle sa Bb. Pilipinas, malaki ang kanyang tsansa na manalo dahil matangkad, maganda at matalino siya. Tiyak na bibigyan si Michelle ng pointers ng kanyang nanay na produkto rin ng Bb. Pilipinas at Miss International noong 1979.

Bago ikasal kay Mark, Winwyn hihirit pa uling sumali sa beacon

Kung sakali na sasali uli si Winwyn sa Bb. Pilipinas, tiyak na susuportahan siya ng kanyang boyfriend na si Mark Herras.

Very supportive si Mark kay Winwyn at knowing him, beauty queen ng buhay niya ang kanyang trato sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Decided na si Mark na makasama forever si Winwyn dahil ito ang babae na gusto niya na pakasalan. Hindi naman kalabisan kung susubukan ni Winwyn na matupad ang panga­rap na maging beauty queen bago sila ikasal ni Mark.

Batang nawala na dinala sa AUSTRALIa, parang kwento sa pelikula

Ang sabi ng mga nakapanood sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, maikukumpara sa kuwento ng Lion ang paghahanap ng isang Jojo sa mga tunay na ma­gulang niya.

Starring sa Lion sina Dev Patel at Ni­cole Kidman. True story ang Lion at tungkol ito sa isang batang lalake mula sa India na nawala, dinala sa bahay ampunan at inampon ng mag-asawang Australiano.

Cry me a river ang mga nakapanood sa Lion na nagkaroon ng anim na nominas­yon sa 89th Academy Awards.

Hindi nalalayo sa kuwento ng Lion ang paghahanap ni Jojo sa kanyang biological parents. Napulot si Jojo sa Muñoz market noong 5-years old siya, dinala sa isang ampunan at inaruga ng Australian couple.

After 35-years, mula sa Australia, bumalik sa Pilipinas si Jojo na isa nang filmmaker, para hanapin ang mga tunay na magulang.

Hindi ako sure kung aware si Jojo tungkol sa kuwento ng Lion o puwedeng nagkataon lamang ang lahat.

Si Mama Jessica Soho at ang staff ng show nito ang tumutulong kay Jojo sa pag­hahanap nito sa kanyang ina.

Kapag natagpuan na ni Jojo ang mga magulang na hinahanap, perfect na i-feature sa Magpakailanman ang life story niya na hindi nga nalalayo sa plot ng pelikula  nina Dev at Nicole na sobrang coincidence dahil may involved din na Austra­lian couple sa kuwento.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with