Kylie Padilla at Aljur Abrenica
Kylie 3 months preggy nga; Robin binantaan si Aljur?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 24, 2017 - 12:00am

Wala raw planong magsalita sina Robin Padilla, Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa kalagayan ng actress sa kasalukuyan.

Ang balita ng source, tatlong buwan na raw ang dinadala ng anak ni Robin courtesy of Aljur.

Pero nag-dialogue diumano si Robin na ‘papatayin’ niya si Aljur.

Basta ang plano raw nga­yon, lilipad pupunta sa Australia, kung saan nakatira ang inang Liezl Sicangco ni Kylie ayon sa source.

As of presstime, wala pang official na pag-amin sa nasa­bing balita sina Kylie at Aljur.

Maging ang GMA 7 ay hindi pa rin nagbibigay kung ano ba talagang kalagayan ni Kylie sa kasalukuyan.

Kagabi balitang tsinugi na ang character ni Kylie sa Encantadia  at gagawin na lang kaluluwa ang cha­racter niyang si Amihan.

Hindi na kami ni Baste - Ellen

“Hindi na po kami. 2016 pa po yon. Bagong taon na. At para manahimik na tayong lahat,” ang sagot ni Ellen Adarna sa isang netizen nang tanungin siya kung sila pa ba ni presidential son Baste Duterte.

Ito ay matapos siyang mag-upload ng photo ni Rico Blaco na may word na ‘forever’ ang suot na shirt.

Late last year lang nang mag-viral ang lips to lips photo nila ng anak ni President Duterte sa social media.

Pero ayun, break na naman sila. Alam sa showbiz na kaibigan niya ang girlfriend ni Baste at nanay ng anak nito. 

 

ALJUR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with