Jennylyn hindi sinabayan si Dennis pa-US!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 22, 2017 - 12:00am

Bakit nga ba wala si Jennylyn Mercado sa grupo ng mga Kapuso star na umalis kahapon ng umaga papuntang Los Angeles, California, para sa Sikat Ka Kapuso Abroad concert ng GMA Pinoy TV? 

Maraming naghanap na fans ni Jennylyn dahil ang nakita lamang nila sa NAIA ay sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Betong Sumaya at Alden Richards. 

Si Carla Abellana ang naghatid sa boyfriend na mami-miss na raw nila ng aso nilang si Bub.

Dumating na sa Tom Bradley International Airport sa LA ang grupo kahapon January 20 rin (January 21 dito sa atin) ng madaling-araw. 

Nalaman namin na sa January 21 pa aalis ng bansa si Jennylyn at darating naman siya roon in time para sa concert na magaganap sa Terrace Theater in Long Beach, California, January 22 (LA time).

Janine at Lauren magiging mainit ang sampalan

Magsasama sa unang pagkakataon sina Janine Gutierrez at Lauren Young sa heavy drama series na Legally Blind sa GMA 7. 

Ano kaya ang magiging pakiramdam ng dalawang leading ladies na ang common denominator ay si Elmo Magalona. Balitang maraming maiinit na eksena, tulad ng sampalan at confrontation sa pagitan nila. Kaya ang tanong, doon ba huhugot ng emosyon ang dalawa?

Todo naman ang paghahanda ni Janine sa kanyang role na isang blind lawyer na ipagtatanggol ang sarili dahil na-rape siya at naging dahilan ng kanyang pagkabulag.  Masaya si Janine dahil muli silang magtatambal ni Mikael Daez at ididirek sila ni Ricky Davao.

Sunshine galit sa forever

Hindi pala naniniwala si Sunshine Dizon na may forever.

Natanong kasi si Sunshine sa set ng Ika-6 na Utos kung naniniwala siya rito. Natawa siya at sagot niya: “I’m not the right person para tanungin ninyo. Hindi totoo, walang forever.”

Isa nga raw niyang pagkakamali ay nagpakasal pa siya tapos ay maghihiwalay din pala. Pero ang nagpapalakas talaga ng loob niya ay ang dalawa niyang anak na ingat na ingat siyang masaktan ang loob ng mga ito, lalo na noong may kaso pa sila ng estranged husband niyang si Timothy Tan.

Nakatulong din naman ang mga nangyari para magampanan niya nang maayos ang role niya bilang si Emma sa kanilang high-rating afternoon prime.  Iyon lamang, very draining sa kanya lalo na kung maghapon siyang umiiyak. 

Ngayong Sunday, muling uuwi si Sunshine sa kanyang hometown sa Iloilo City dahil magkasama sila ni Gabby Concepcion para sa Dinagyang Festival at may Kapuso Mall show sila at 5:00pm sa SM City Iloilo.  

JENNYLYN MERCADO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with