Iza maraming nasalong suwerte
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 18, 2017 - 12:00am

No doubt na tamang-tama ang pagpasok ng 2017 para kay Iza Calzado na nasa cast ng kakasimula pa lang na series, ang A Love To Last, with Bea Alonzo at Ian Veneracion.

Mapapanood din siya sa soon-to-be released movie Ilawod, kung saan muli niyang makakasama si Ian.

Her lovelife, Iza describe it as gloriously fine. Five years na sila ng kanyang foreigner boyfriend na si Ben Wintle, na go signal na lang ang hinihintay niya, para sila ay magpakasal.

What’s keeping Iza from getting married, as she admits 34 years old na siya, everyone – including us – wants to know.

Sa totoo lang, bilang aktres, napatunayan na ni Iza that she has what it takes. Otherwise ba naman, magiging paborito ba naman siyang katrabaho ng mga director tulad nina Dan Villegas, direktor ng  Ilawod, at Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano, na siyang namamahala naman ng A Love To Last?

May kwento pa si Atty. Joji Alonzo, producer ng Quantum Films, the production behind Ilawod, na siyang nag-offer kay Direk Dan ng movie.

Nang sabihin daw niyang si Iza ang type niyang makapareha ni Ian, ‘di raw nagdalawang-isip ang direktor at sinabing, “kelan magsisimula ang siyu­ting?”

Bukod daw kasi sa magaling nga si Iza, mabait makisama at napaka-propesyonal pa nito.

Come to think of it, bakit kaya, kahit sa mga promo ng kanyang TV shows o pelikula, ‘dini-display ang dancing prowess ni Iza?

Aba, magaling na dancer si Iza, since may pinagmanahan siya. Her dad, the late Lito Calzado, was a foremost choreographer in his time.

Balikan nina Gerald at Kim inaabangan kahit may Bea at Xian

Although halatang may something na kina Bea Alonzo at Gerald Anderson, marami pa rin ang excited sa muli nilang pagtatambal ni Kim Chiu sa nalalapit nang magsimulang bagong series, Ikaw Lang Ang Iibigin.

Kung sabagay, ‘di nga ba at kasalukuyan ring nali-link si Kim kay Xian Lim?

In any case, based sa teaser na ipinalalabas ng Ikaw Lang Ang Iibigin, mukha ngang kaabang-abang ito.

Samantala, no doubt na ang galing na ni Bea bilang artista.

Obvious kasi na sa ilang episode na naipalabas na sa A Love To Last, mas nakasentro ang kuwento sa kanya, kesa kina Iza at Ian.

Kaya nga, kapag magka-eksena sila ni Melanie Marquez, halata ang pagiging OA (over acting) ng huli.

Well, marami na, kabilang kami ang na-aabang ng mga eksena nilang magkasama si Ian sa Germany.

Zanjoe bawal pormahan si Bela

Isa pang kaabang-abang na series sa ABS-CBN ay ang My Dear Heart. Gaganap muli bilang ama si Zanjoe Marudo sa six year-old na si Nayomi Ramos.

Pangatlong beses na ni Zanjoe na gaganap bilang tatay.

Nabibigyang hustisya niya kasi ang tatay roles with a heart.

Naging tatay din siya ng ngayon ay teenage star na si Andrea Brillantes sa Annaliza.

Tatay din siya ni Jana Agoncillo sa My Dream Dad.

Tuloy, you wonder how he will be as a Dad, when he become one in real life.

First time na magtatambal sina Zanjoe at Bela Padilla sa said series. Well, noticeable ang close resemblance ni Bela kay Bea.

Unlike Zanjoe, though, taken na si Bela, whose boyfriend is movie producer Neil Arce.

IZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with