Ogie nakipag-bonding sa anak sa gym
HOUSE OF DEATH - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 17, 2017 - 12:50am

Ang bilis ng panahon at tatlong taon na rin palang wala si Ogie Alcasid  sa bakuran ng GMA-7 after nitong lumipat sa TV 5 Network.

Ganun pa man, nananatili pa rin ang respeto ni Ogie sa Kapuso Network kaya walang worry ang veteran singer tuwing napapanood siya na kumakanta sa ASAP Live, ang Sunday noontime show ng Kapamilya Network.

Kamakailan lang ay kumanta si Ogie kasama sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga-Soriano para sa birthday presentations para sa Ultimate Heartthrob ng Kapamilya na si Papa P (Piolo).

Enjoy din si Ogie sa kanyang show sa bakuran ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Kids dahil nasa good company raw siya kasama ang kanyang kumpare at kaibigan na sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta na mga judge rin tulad niya sa said program.

Nilinaw naman ni Ogie sa kanyang interview na hindi niya permanenteng pinalitan si Jed Madella sa show. Nagkataon lang na kailangan ng isang judge na parent dahil puro bata ang performers sa show.

Samantala, proud father din si Ogie na panay ang post sa bonding moment nila ng kanyang anak na si Leila Alcasid sa workout ng mag-ama sa gym at maging ang kanilang movie date.

Busy din si Ogie sa kanyang Valentine show na #HugotPlaylist kunsaan makakasama niya sina AiAi Delas Alas at Erik Santos na special guest si Solenn Heussaff sa KIA Theater, sa Feb. 14, 2017.

OGIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with