Kris Aquino
Kris at Richard malabo pang maging kapuso
THE EAR - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 17, 2017 - 12:50am

Kinumpirma ng mga bossing ng GMA-7 na wala nga sa kanilang nakalinyang programa si Kris Aquino.

Kahapon sa tsikahan sa ilang members of the entertainment press, sinabi ni Ms. Lilybeth Rasonable na wala silang alam at naririnig na tungkol sa ugong na pagbabalik sa ere ni Kris sa GMA-7 matapos itong kumawala sa ABS-CBN at pumirma ng kontrata sa TAPE, Inc. na pag-aari ni Mr. Tony Tuviera. “Hindi ko pa alam. Iba kasi ang nagma-manage sa kanya (TAPE, Inc.) so wala pa kaming naririnig na ganyan,” sagot ng Senior Vice President for Entertainment Group na si Ms. Lilybeth.

Kasama niyang humarap sa media ang ilan pang lady bosses na sina Ms. Redgie Magno, Ms. Darlene de Jesus, Ms. Janine Piad-Nacar and Ms. Cheryl Ching-Sy para sa kanilang mga bagong programa para sa 2017.

Kasama na sa mga papasok na teleserye  this year na nauna na nga ang Meant to Be na pinagbibidahan ni Barbie Forteza ay ang Destined to be Yours nina Alden Richards and Maine Mendoza. Station produced ang serye na matagal umanong pinag-usapan bago ang nakapili ng material ang GMA at TAPE sa sikat na magka-loveteam.

Ang Mulawin at Ravena ay muling papagaspas. Pero si Dennis Trillo ang bibida. Pero hindi ito magiging hudyat ng pagbalik ni Richard Gutierrez sa Kapuso Network.

At siyempre meron silang My Love from the Star na gagawan ng Pinoy version na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at ng baguhang si Gil Cuerva. Isa itong sikat na Korean drama.

Si Marian Rivera ay bibigyan ng primetime show at inaayos na raw nila.

Pero si Heart Evangelista ay may Project Achieved na once a week.

Si Dingdong Dantes naman ay may bagong dokyu drama na Case Closed.

KRIS AT RICHARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with