^

Pang Movies

Coco hindi nauubusan ng datung kahit pugante

TRENDING - Baby E - Pang-masa

As obviously decided by Coco Martin and everyone behind the top series, FPJ’s Ang Probinsyano, na lilibutin nila ang ilang probinsya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagti-taping ng mga episode, featuring as well mga artista doon, heto at sinisimulan na nila.

Sa ngayon, backdrop ng mga episode na ipinalalabas sa series ang Cebu City. Ito ang susunod na probinsya na “bibisitahin” ni Cardo Dalisay (Coco) na isa na ngayong pugante sa series.

Tanong nga lang, dahil nga takas si Cardo sa bilangguan, saan sila kumukuha ni Onyok (child actor Xynon Pineda) ng panggastos nila?

Eager din kaming malaman kung kelan muli magtatagpo ang landas nina Cardo at Aryanna (Yassi Pressman).

The two, we have to admit, ay bagay na magka-love team.

Yassi ginamit ang utak sa career

Speaking of Yassi, halatang nanghinayang ang housemate sa kasalukuyang season ng Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Seven na si Tanner Mata, sa naging desisyon ni Yassi na huwag mapabilang sa Dream Team ni Kuya. Puwede sanang mag-create si Kuya ng romance between them. At malamang na bagay din silang magka-love team.

But as we all know, mas binigyan ng priority ni Yassi ang kanyang commitment bilang leading lady ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano. Na dapat lang naman. Hindi lahat ng aktres ay nabibigyan ng chance na makapareha ang bida sa isang top series, tulad ni Coco Martin.

Cora dating ekstra

Speaking of PBB Kuya’s Dream Team, how true na matagal nang umapir bilang extra si Cora sa ilang Viva Films movie, but unfortunately, ay waring di napapansin ng mga kinauukulan?

The 10 other housemates ni Kuya na kabilang sa kanyang Dream Team, bukod kina Tanner at Cora, ay sina McCoy, Elisse, Nonong, Mike, Jinri, Aura, Jerome at ang apat na bagets, sina Kisses, Maymay, Edward at Yong.

Huling pelikula nina John Lloyd at Sarah, P450-M ang kinita

Did we hear it right, Salve A., na ang hu­ling pelikula na pinagsamahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ang It Takes A Man and A Woman, circa 2013, ay kumita ng nearly P-450 million during the seven weeks na ipanalabas ito sa mga sinehan nationwide?

No wonder, marami ang nag-a-anticipate kung magkano raw kaya ang kikitain ng kanilang balik-tambalan, ang Dear Future Husband, na of course, ang nagpu-produce muli ay Star Cinema.

It Takes A Man and A Woman, plus the two other films na pinagtambalan nila, A Very Special Love and You Changed My Life, had Direk Cathy Garcia-Molina at the helm.

Si Theodore Boborol, who directed Star Cinema’s Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Vince & Kath & James, ang naatasan na magdirek ng Dear Future Husband.

 Iza hindi pa seryoso sa pag-aasawa

Kung si Piolo Pascual daw ang nagpakilala kay Alex Gonzaga ng kanyang boyfriend nga­yon na isang Chinese businessman na si Mikee Morada, si Isabelle Daza naman ang nagpakilala kay Iza Calzado sa foreigner boyfriend nito na si Ben Wintle.

Five years na raw sina Iza at Ben, but tying the knot is not yet seriously nilang pinag-usapan. Bagama’t one day soon, the two of them, definitely, will wed.

As of now, busy sa trabaho si Iza. Aside sa kanyang kai-start na series on ABS-CBN, A Love To Last, co-starring her with Ian Veneracion and Bea Alonzo, ipalalabas na rin ang kanyang pelikulang Ilawod, kunsaan leading man niya si Ian.

She has another movie, too, na malapit na ring ipalabas.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with