Mga Pinoy dismayado, Miss Colombia nilait-lait ang mga natanggap na regalo
THE EAR - Lolit Solis (Pang-masa) - January 16, 2017 - 12:00am

Si Miss Colombia Andrea Tovar ang pinakahuli sa mga kandidata sa 65th Miss Universe na dumating kahapon sa Pilipinas.

Kontrobersyal agad si Tovar dahil sa video nito na nagpapakita na nilalait niya ang mga complimentary gift na kanyang natanggap.

Na-turn off kay Tovar ang mga Pinoy na humahanga sa kanyang kagandahan.

Balitang-balita na gagawin ni Tovar ang lahat para makuha niya ang Miss Universe 2016 crown para makabawi ang Colombia sa kahihiyan na dinanas ni Ariadna Gutierrez sa Miss Universe na ginanap sa Las Vegas noong December 2015.

Si Ariadna ang first runner-up ni Pia Wurtzbach at super bitter siya nang bawiin sa kanya ang korona dahil sa maling announcement ng American TV host na si Steve Harvey.

Maxine pinagkaguluhan sa Vigan

Kung namasyal sa Boracay island ang ibang mga kandidata ng 65th Miss Universe, ang Vigan Ilocos Sur ang pinuntahan kahapon ng ilan sa mga official delegate.

Kasama sa mga nagpunta sa Vigan si Miss Universe Philippines Maxine Medina at ang ibang mga kandidata na malaki ang laban sa sikat na international beauty pageant.

Siyempre, si Maxine ang pinagkaguluhan ng mga kababayan natin sa Vigan na hoping na siya ang magiging successor ni Pia.

Miss Malaysia binitbit ang Petronas Towers!

Ang Petronas Towers sa Malaysia ang inspirasyon ng national costume na gaga­mitin ni Miss Universe Malaysia Kiran Jassal.

Ang unique national costume ni Kiran ang dahilan kaya napansin siya ng Miss Universe fans. Si Kiran ang hinuhulaan na mananalo sa Best in National Costume contest dahil sa outfit niya na kakaiba.

Ginaya ni Kiran si Miss Universe Thailand 2015 Aniporn Chalerm­buranawong na win ng Best in National Costume noong 2015 dahil nakaw-eksena ang kanyang Tuk Tuk inspired costume. Sikat na sasakyan sa Thailand ang Tuk Tuk na counterpart ng mga tricycle sa Pilipinas.

MISS COLOMBIA ANDREA TOVAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with