^

Ian naghuhubad kahit sa harap ni Bea

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 15, 2017 - 12:05am

Ang cute ng huntahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa kanilang interview.

Kuyang-kuya si Ian na nagpapayo kay Bea tungkol sa pag-ibig.

Tama rin daw ang desisyon ng aktres na hindi kailangang magmadali sa kanyang lovelife.

Payo pa ni Ian kay Bea, huwag magpapadala sa pressure at ‘wag magpapaapekto sa intriga sa paligid ang aktres.  Wish ni Ian na magkaroon din ng A Love to Last (na title rin ng kanyang series) ang relasyon ni Bea sa kanyang rumored boyfriend na si Gerald Anderson.

Ayon kay Bea, ini-enjoy lang mula nila ni Gerald ang kanilang mga moment na magkasama bago sila mag-level up sa kanilang relasyon dahil pareho rin silang busy.

Honored naman si Ian na naging leading man siya ni Bea na ser­yoso sa kanyang craft pagdating sa aktingan na masaya at magaan daw na katrabaho ang mahusay na aktres. Siyempre malaki ang respeto ni Bea kay Ian na bukod sa magaling umarte ay isa sa pambato ng malupit na serye nila na A Love to Last ng Kapamilya Network.

Comment ni Bea na hindi siya magtataka kung sa susunod na project ni Ian ay si Julia Barretto ang kapareha nito.

Pabata na kasi nang pabata ang mga nagiging ka-partner ni Ian dahil hindi tumatanda ang hitsura at kagwapuhan ng aktor.

Talaga raw professional ang aktor na kahit sa gitna ng maraming tao sa Germany ay naghubad at nagbihis ng kanyang damit para sa susunod na take. Katuwiran ni Ian na malayo raw kasi ang CR. Tutal naman ay walang nakakakilala sa kanya kaya naghubad siya sa harap ni Bea.

IAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with