Miss Venezuela (Mariam Habach) at Maxine Medina
Paano na si Maxine? Miss Venezuela nangangamoy panalo raw sa Miss Universe!
THE EAR - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 14, 2017 - 12:00am

Paano na lang ang kandidata nating si Maxine Medina kung ngayon pa lang ay hinuhulaan nang si Miss Venezuela (Mariam Habach) diumano ang posibleng mananalo?

Nakaternong maong pants and jacket lang si Miss Venezuela nang dumating ng bansa pero lutang ang ganda niya sa simpleng get up.

Samantalang ang ibang mga kandidatang nagdatingan na sa bansa, naka-outfit na paglapag pa lang sa NAIA.

Anyway, pumalag ang speech trainor ng ating pambato na si Maxine matapos itong i-bash sa mali-mali raw na pag-i-English.

Ayon sa English Language specialist ng John Robert Powers na nagti-train kay Maxine, hindi biro ang dinaanan ng Pinay beauty queen.

“When I learned that I’m going to work closely with Miss Universe - Philippines, I knew that there will be setbacks along the way.

“For seven months, we had to meet and spend time together to get things done. We had to work on her personal growth and communication skills simultaneously.

“I feel bad because of the online bashing that is happening at the moment.

“It is not something new to me but just to give you a different perspective on the matter, my research (Mark Arthur Payumo Abalos) on attitudes of Filipino English language learners show that the interpersonal, sociolinguistic, and sociocultural contexts have to do with how individuals communicate.

“Situations may be viewed negatively by people who are not completely aware of the process of acquiring and learning a second language in formal and informal learning environments. Larsen-Freeman, Tananuraksakul, and Roh have written on particular aspects of this area of study. You may want to read first before you comment.”

Sa question and answer, balitang mga abogado naman ang nagti-train kay Maxine para makasagot nang maayos.

Sinasabing doon malamang sumabit ang ating kandidata.

Anne Curtis nakipagsiksikan na naman sa MRT!

Nakipagsiksikan na naman si Anne Curtis kahapon sa MRT.

Dahil Friday pay-day, mala-impyerno ang traffic sa EDSA. Kaya siguro imbes na ma-late sa It’s Showtime, nag-decide si Anne na sumakay na lang ng public transpo para makarating ng on time sa studio ng ABS-CBN. 

Mukha namang nag-enjoy si Anne base sa mga litratong naglabasan ng mga nakasabay niya sa social media.

Game na game siya sa mga naki-selfie at walang pakialam kahit siguro nanlagkit sa init sa pakikipagtulakan at siksikan sa MRT.

Sayang kung maganda sana ang MRT natin, baka hindi lang si Anne ang sumakay doon.

Mula Boni hanggang Quezon Avenue si Anne nakasakay sa MRT.

MAXINE MEDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with