Alden takot kalabanin ang anak ni Bossing?!
CEBUPEDIA - Vir Gonzales (Pang-masa) - January 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ano ba ‘yan, niluluto pa lang ang bagong serye nina Alden Richards at Maine Mendoza na mapapanood daw ngayong January, tipong lumalabnaw agad  ang kanilang tambalan.

Paano, hindi mapansin kay Alden Richards kung totoo ba niyang minamahal si Maine Mendoza, pulos kilig-kiligan lang sila tuwing nasa harap ng kamera. Ganun din ang ikinikilos ni Maine kapag nasa harap ng kamera, wala kasing pakulo ang GMA na parang niluluto talaga ang love team nila.

Pulos out of town shows lagi ni Alden ang ibinabalita o ang restaurant niyang ipinundar, dapat kasi ay i-build-up ang pag-iibigan ng dalawa, lalo’t wala na ang kalyeserye nila.

Si Maine naman ay nali-link sa bunso ni Bossing Vic na si Vico Sotto. Natural na parang ilag si Alden sa nasabing isyu dahil anak ni Bossing ang involved.

Alam ni Alden na malaki ang utang na loob niya sa Eat Bulaga, kaya parang naguguluhan siya kung tototohanin na nga ba niya  si Maine. Minsan naman itong si Alden ay kung kani-kanino ring babae inili-link pero syempre, panay pa rin ang deny ng actor.

Teka nga, saan kaya patungo ang “pag-iibigan” nilang dalawa? Nakakaalarma na, baka maging matabang pagsalubong ng mga manonood ng darating na serye.

Imelda tinalong pangulo ng Actor’s Guild si Dina

Waging-wagi ang Jukebox Queen na si Imelda Papin, na siyang bagong pangulo ng Actor’s Guild na ginanap sa Mowelfund plaza.

Nakakataka nga dahil may mga kumukuwestion kung bakit na­nalo si Imelda gayung isang pamosong singer lang daw siya, at wala naman daw pelikula sa mga nagka-amnesia na pumupuna sa kanya.

Noong araw may mga pelikula din siyang nagawa at may karapatang mahalal sa Actor’s Guild.

Nakalaban niya si Dina Bonnevie, pero naging matunog si Imelda dahil sa rami ng natulungan at nilalapitan ng mga kapwa taga-showbiz na nangailangan ng tulong. Ibang klase si Imelda, madamayin talaga siya sa kapwa at may karapatan sa naturang position.                                          

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with