_pang-masa
^

Pang Movies

Drew at Iya ginagawang laruan ang anak

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tawang-tawa na naman kami sa kaka-upload lang na video ni Drew Arellano sa Instagram showing his first-born na si Baby Primo habang ang cameraman ay ang kanyang cheerful wife na si Iya Villania. Pinag-tripan na naman kasi nila ito nang ipakitang may answered prayer na sila para kay Primo—ito ay ang maging spiritual.

Sinuotan kasi nila si Baby Primo ng lampin sa ulo na parang veil. Maraming netizens naman ang natuwa sa cool na pag-aalaga ng People Vs. The Stars hosts sa kanilang anak.

Masuwerte ang mag-asawa na mabigyan ng hosting job sa People Vs. The Stars dahil magaan lang ito at may panahon pa rin sila sa pag-aalaga sa kanilang anak na cute na cute. Eere sa Sabado ng hapon, January 15, ang bagong show ng mag-asawa.

Jaclyn ipinagmamalaki si Dingdong

Hindi na talaga mapipigilan ang Alyas Robin Hood sa pag-ratsada nito sa TV ratings. 

Hindi naman kataka-taka ito dahil sa suporta na nakukuha nito hindi lang sa viewers kundi pati na rin sa mga actors nito. Example na lang ay ang award-winning actress na si Jaclyn Jose na sobra ang pagmamalaki kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Saan man niya kasi makita ang billboard o tarp ng kanyang palabas, ay agad niya itong pino-post sa kanyang Instagram account.  

DREW ARELLANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with