_pang-masa
^

Pang Movies

Natakot Nora nag-sorry sa INC!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Natakot Nora nag-sorry sa INC!
Nora Aunor

Gumu-Gloria Macapagal Arroyo si Nora Aunor nang humingi siya ng sorry sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo at sa mga ministro at kapatid ng samahan. Sa Facebook account ng writer na si Bayani San Diego naka-post ang paghingi ng tawad ng Superstar.

Sa isang eleksyon kasi noon, nag-sorry sa national TV si PGMA kaya pumutok ang “Hello, Garci” scandal. This time, sa social media nag labas ng sorry ang superstar.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Ate Guy:

“Para kay Kapatid na Eduardo V. Manalo, Executive Minister ng Iglesia ni Cristo, at sa lahat ng mga Ministro at mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo.

“Humihingi po ako ng paumanhin at kapatawaran kung may nasabi po akong hindi maganda, lalo na ang pagkakabanggit ko ng ‘Iglesia ni Manalo.’

“Marami na rin po kasi akong nari­rinig na mga tao na ganito ang tawag nila kaya hindi ko po alam na ang pagkakabanggit ko ng ganito ay sobrang ikinasasama ng loob ng nakakarami nating kapatid sa INC.

“Inuulit ko po na wala akong masamang ibig sabihin at hindi ko puwedeng saktan ang damdanmin ng kahit na sinong tao, ano man ang kanilang relihiyon.

“Isa pa po, hindi ako magiging Nora Aunor kung wala po itong mga taong ito na patuloy na sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon. Itong mga taong ito na may kanya-kanyang paniniwala at kaanib ng iba’t ibang relihiyon. Kung paano nila ako minamahal at itinataguyod bilang kanilang idolo, triple po ang respeto at pagmamahal ko sa kanila, ayoko po hanga’t maaari na makagawa ng bagay na alam kong masasaktan sila. Siguro naman po kahit papaano ay alam at nakikita rin naman po ito ng mga taong nagmamahal sa akin ta madalas kong nakakasama at nakakausap na itinuring ko na rin pong pamilya. Kaya hindi ko po iniisip na masama ang ginawa ko.

“Umaasa po ako na maiintindihan ito ng ating mga minamahal na Ministro at ka­patid natin sa INC. Wala pong perpektong tao. Lahat po ng tao ay nagkakamali. Sino man pinaniniwalaan nating lahat na naglalang sa atin ay mapapatawad.

“Ito po ang inaasahan ko sa INC: Ang mapatawad ako sa aking pagkakamali.”

Mommy Dionisia eeksena sa Tatlong Bibe

Title lang ng nursery rhyme ang kinuha ng writer-director na si Joven Tan sa movie niyang Tatlong Bibe. Sikat na sikat ang kanta last year kaya naman ang daming local singers na gumawa ng kani-kanilang bersyon.

“Baka sa mall show lang naming gamitin ang kanta. May isang kanta akong bagay sa movie. Pag comedy kasi, baka fantasy ang maging ending. Sayang ang kuwento,” sabi ni Joven sa presscon.

Bida sa movie ang child wonders na sina Marco Masa, Raik  ko Matteo at singer na si Lyca Gairanod. Pero ang rebelasyon daw sa movie ay si Mommy Dionisia dahil nagdrama siya rito kaharap si Eddie Garcia, huh!

“Sa launching movie na ni Mommy D maga­gamit ang pagiging komedyana niya,” saad pa ng direcror.

Paglilinaw ng director, wala silang sinaktan na hayop habang sinu-shoot ang movie, huh! Saka sumunod sila sa labor regulation na apat na oras lang ang work ng mga bagets.

 

NORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with