Kathryn pinakialaman pati ang pamilya ni Daniel!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 9, 2017 - 12:00am

Hinahangaan na pala noon pa man ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo. Pinapanood daw ni Daniel si Kathryn sa Goin’ Bulilit, kunsaan nagsimula ang kanyang career. Noon pa man ay crush na raw niya si Kathryn. Kaya, kabisado niya na ang na?ing role nito sa unang lengthly series ni Kathryn na Super Inggo.  Pero ang maging ka-love team si Kathryn ay ‘di raw pumasok sa isipan ni Daniel.

“Kaya, I hold Kathryn special. Dahil sa kanya, nabago ang buhay ko, ng aming pamilya.

“Posibleng kung hindi si Kathryn, nagkaroon din ako at siya ng ibang ka-love team. I am happy, though, na siya ang naging  ka-love team ko,” susog pa ni Daniel.

So, how would he describe ang kanilang tambalan ngayon? Anong level na?

“We are a team,” sagot ni Daniel. “And, for me, iyan ang pinakaimportante para sa amin.”

Barbie feeling mahinhin ‘pag kapiling si Ivan

Nakakatuwa ang description, ni Barbie Forteza sa kanyang four leading men sa seryeng Meant To Be.

Napaka-reserved daw ni Ivan Dorschner, kahit pa lumaki ito ng Amerika.

Kaya raw, “dalagang Pilipina” siya kapag kasama niya ito. O, kung may eksena silang kinukunan na magkasama.

Si Ken Chan, on the other hand, is always full of energy. Thus, feeling bubbly as well siya when he is around.

Si Addy Raj naman na isang Indian national ay physically active. Kaya, feeling daw niya, when she is with him, she has to always be on the go.

Na siya namang kabaliktaran ni Jak Roberto. Since, he is the shy type to the point na aakalain mo na siya ay isang torpe.

“But in the short time that we have been working together,” ani Barbie. “I enjoy their company.

“Where I’m concerned kasi, I observed na they have something  in common. Lady, in the true sense of the word, ang treatment nila sa akin.

“And it isn’t that lovely?” sey niya na nakangiti.

Shaina matunog na ‘mommy’ na ang tawag sa nanay ni Piolo

Wow, mommy na pala kung tawagin ni Shaina Magdayao ang mommy ni Piolo Pascual, na itinuturing ni Shaina na lalaking malapit sa kanya.

Happily, Piolo feels the same way about Shaina.

No wonder na wala raw siyang objection, kung halimbawang piliin ni Piolo, in the end, na si Shaina ang mapangasawa.

Ang magkaasawa na ang wish ni Amelia, mother ni  Piolo, for her son’s 40th birthday. Excited na raw muli siyang magkaapo kay Piolo, since Piolo’s eldest Inigo nga naman is now 18 years old.

Wish, kung hindi man, pakiusap ni Piolo sa kanyang ina naman na dito na sa Pilipinas mamirmihan. Sa kanilang bagong house kasi in the plush Alabang Village, may ini-ready na siyang room na fully furnished para sa ina.

Amelia is resident of the US, at doon na rin nakatira ang ibang kapatid ni Piolo.

But most of them were all in the country to spent the holiday season with Piolo and Inigo.

Jessy at Luis, ayaw magkwento sa nangyari nu’ng Pasko!

Matipid naman si Jessy Mendiola sa pag-kuwento kung paano nila ipinagdiwang ang kanilang unang Pasko ni Luis Manzano bilang two people in love. Basta, sa bahay daw nila with her family nag-Noche Buena si Luis.

Surprisingly, ang usually frank at madaldal na si Luis ay quiet din about how he marked Christmas and the New Year. Basta he took time rin daw to greet his Mom, Tito Ralph (Senator Recto) and younger brother, Ryan Christian, Merry Christmas and Happy New Year.

DANIEL PADILLA SI KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with