Mga artista sa pelikula at TV pinagsasawaan na?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 8, 2017 - 12:00am

Marami ang nagsasabi na ang paghina ng pelikulang Pilipino ay dahil sa katotohanang iisang artista ang ginagamit ng pelikula at telebisyon. Mukhang mabilis na magsawa ang mga tao sa mga artistang napapanood na nila nang araw-araw nang libre sa telebisyon, kaya hindi na nila pinapasok ang pelikula ng mga iyon. Kung ano kasi ang napapanood sa telebisyon nang libre, halos ganoon din naman ang ginagamit nila sa sine na mahal ang admission prices.

Ibang klase iyong mga komedyante, halimbawa ay sina Vic Sotto at Vice Ganda, dahil araw-araw man silang napapanood sa telebisyon, sila ay mga host lamang at sa pelikula lang umaarte. Pero iyong mga gumagawa ng tele­serye, humihina sa pelikula at mabilis na mawala ang popularidad.

Sa US, ang naging solusyon nila riyan ay iba ang mga artista nila sa telebis­yon at iba rin sa pelikula.

Mayroong naging maingat, kagaya halimbawa ni Congresswoman Vilma Santos. Nag-TV siya noong araw, pero hindi siya gumawa ng drama sa TV, kasi iyon ang ginagawa niya sa pelikula.

Mayroon namang basta nakita nila na mukhang sumosobra na ang exposure, aalis muna sila kagaya ng ginagawa ni Richard Gomez. Pero iyong nagbababad, dahil negosyo naman iyon para sa kanila, at mayroon namang talagang hindi mo inaasahang hahaba ang career, hindi talaga nagtatagal.

Dapat magkaroon ng definition talaga kung sino ba ang artista sa telebis­yon at sa pelikula. Kung gusto nila sa telebisyon dahil sinasabi nga nila na “pag-aari sila ng networks”, huwag na silang gumawa ng pelikula.

Indie movies hindi napilit ang nagbabayad na manonood!

Sa palagay namin tama si Senador Tito Sotto. Gumawa sila ng isang festival para sa indie. Gumawa rin sila para sa mainstream na siyang hinahanap ng mga tao. Iyang indie, mayroon nang CineMalaya at mayroon na silang CineFilipino, may iba pa na puro indie na lahat naman ay hindi kumikita. Ngayon tingnan ninyo, nadamay pa pati ang Metro Manila Film Festival (MMFF) na hindi kumita.

Ang solusyon para sa industriya, hindi ninyo mapipilit ang tao na manood ng indie kung pa­patayin ninyo ang mga pelikulang gusto nila.

Gay personality na mabilis bumunot ng wallet ipinagyabang ang basketbolistang natikman!

Masyadong high ang isang showbiz gay habang ikinukuwento niya ang kanyang pagkakakilala at pakikipag-date sa isang basketball player. Pogi naman talaga ang player at tipong matinee idol. Natiyempuhan naman siya ng showbiz gay na mukhang “may matinding pangangailangan”, kaya kagaya nang dapat asahan, dahil ang bading naman ay mas mabilis na bumunot ng kanyang wallet, kaysa sa napapanood nating pagbunot ng baril ni Fernando Poe Jr., sa kanyang mga pelikula noon, “nanalo” ang showbiz gay.

Iyon daw ang isang “karanasang mahirap makalimutan”.

VIC SOTTO AT VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with