Shooting sa horror movie na Darkroom, minulto!
YSTAR - Lolit Solis (Pang-masa) - January 8, 2017 - 12:00am

May mall show ngayong hapon sa Starmall Alabang ang cast ng Darkroom, ang horror movie ng Viva Films na showing sa mga sinehan sa January 18.

Starring sa Darkroom sina Bret Jackson, Ella Cruz, Donnalyn Bartolome, Jack Reid at ang magkapatid na AJ at Andrew Muhlach.

May-I-swear ang mga artista ng Darkroom na may naranasan sila na kakaiba sa shooting nila sa Tagaytay City.

Nakaramdam sila ng takot nang kunan ang mga scary scene at pinatotohanan ito ng production staff.

Si Pedring Lopez ang direktor ng Darkroom. Siya rin ang direktor ng Nilalang, ang suspense thriller movie nina Cesar Montano at Maria Ozawa kaya sanay na siya na gumawa ng mga nakakatakot na pelikula.

GMA tiyak na may statement sa emote ni Ara

Marami ang nagulat sa litanya ni Ara Mina tungkol sa mga karanasan nito sa taping ng Pinulot Ka Lang sa Lupa ng GMA 7 kaya nagdeklara siya na iiwan na ang afternoon soap na hindi pa umeere.

Kilala si Ara sa pagiging propesyonal kaya nakapagtataka na may mga hinaing siya.

Asahan natin na maglalabas ng official statement ang GMA 7 tungkol sa insidente.

Lumalabas ang mga alaga ko sa mga teleserye ng Kapuso Network at base sa karanasan ko, maganda ang trato sa kanila ng ng production staff at ng management.

Knowing GMA 7, hindi nila ipagwawalang-bahala ang reklamo ni Ara dahil pantay-pantay ang tingin nila sa mga artista.

Naniniwala ako na maaayos ang problema sa pamamagitan ng pag-uusap ng magkabilang-panig. Baka puwede pang magbago ang desisyon ni Ara para hindi na niya ituloy ang banta na pag-alis sa Pinulot Ka Lang sa Lupa.

JaDine busy sa rami ng endorsement

Malapit nang matapos ang teleserye nina James Reid at Nadine Lustre pero magiging busy pa rin sila dahil sa rami ng kanilang mga product endorsement at out of town shows.

Madaragdagan lang ang rest days ng mag-dyowa pero nakalinya na ang mga project na gagawin nila sa 2017.

Hinihiling ng JaDine fans na bigyan sila ng Viva Films ng bagong movie project at puwedeng mangyari ito habang hindi pa nasusundan ang kanilang magwawakas na teleserye.

Dra. Belo mas abala sa anak na si Scarlet, hindi na magsasalita sa pagkapanalo sa lawyer na nang-alipusta

Hindi na kailangan ni Dra. Vicki Belo na magpainterbyu tungkol sa suspension ng lawyer na idinemanda niya noon ng libel dahil sa masasakit na salita na ipinukol sa kanya.

Enough na ang desisyon ng Supreme Court na paboran si Mama Vicki at patawan ng parusa ang abogado na huwag mag-practice ng propes­yon nito sa loob ng isang taon.

Kinokontra ng abogado ang desisyon ng Supreme Court pero sinabi niya na susundin ang pasya ng korte kaya lalong walang dahilan para magsalita si Mama Vicki.

Iniiwasan na ni Mama Vicki ang mga isyu na hindi positive, especially na araw-araw siya na maligaya dahil sa kanyang cute na cute na anak na si Scarlet na habang lumalaki, lalong nagiging smart at dumarami ang social media followers.

BRET JACKSON DONNALYN BARTOLOME ELLA CRUZ JACK REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with