BB ini-enjoy ang pagiging girl
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 5, 2017 - 12:00am

May pasabog agad ngayong 2017 si BB Gandanghari.

Pagkatapos ng kanyang pananahimik, heto at agad na nagsimula na si BB ng kanyang pag-iingay.

Sa kanyang social media account na Instagram, binalikan niya ang mga natutunan niya noong nakaraang taon, pati na ang mga inaasahan niya para sa 2017.

Tatlong mahahabang post ang kanyang ginawa at ito ay tungkol sa kanyang pagiging isang lehitimo at legal na babae.

Kasalukuyang naka-base sa Los Angeles si BB kasama ang kanyang alagang aso.

Heto ang kanyang mga posts:

“1st of three parts... “WHAT IS EPIPHANY?” Since my life turned upside down sometime in the late 1990’s, I felt my life was stalled, embracing death, ready to face it eye to eye anytime... anywhere. FEARLESS? Maybe... I say maybe bec I maybe fearless of death but I was definitely in FEAR of life. Life was just too much bec if life is all about looking forward about the future and about goals and ambitions, I had none of it. Life proved to be unpredictable and full of surprises. Rustom eventually died and BB emerged. But then during these times I feel that I was in a balance. Living in status quo, if you know what I mean. Of course I was going thru transition too and so I thought, must be the hormones. But it isn’t. I knew it was more than that. I still had no goals, content on just living on a day to day basis. Years passed and #Fall2016 came around. And everything just unfolded all of a sudden. I was ecstatic when I got my court order. Overwhelmed when my driver’s license finally came in the mail. Ecstatic and overwhelmed bec for the first time after everything has been said and done, I finally feel that I exist, that I’m on record and yes... that I’m ALIVE... to be continued...

“Second of three parts... “WHAT IS EPIPHANY?” Then winter came to be. For some reason, this time of the year just makes even the most unaffected be particularly vulnerable. So the past few days I’m thinking hard, in fact asking my GOD, in all humility, what now? Why is it that I feel so different, not anymore looking forward to death but on the contrary, I have so much anticipation as to what life has to offer. And I don’t feel stalled any longer, in fact very optimistic about the future, about LIFE. Then I read this, “LIFE WITHOUT AMBITION IS LIKE A BIRD WITHOUT WINGS...” and guess where? In the weirdest place ever, in the toilet while peeing of all places. Isn’t that crazy? But crazy it may be, I was struck with it, wondering right there and then the meaning of what I just read until I realized I’m experiencing an Epiphany. The dictionary.com defines it as a sudden, intuitive perception of or insight into the reality or essential meaning of something, usually initiated by some simple, homely, or commonplace occurrence or experience. Bam!!! Gotcha! The reason why I feel so enthusiastic about everything is bec now I have a goal, a dream, an ambition to achieve. And with this ambition comes the wings that I thought was clipped if not taken away forever. Praise be to my GOD...

“Last of three parts... “DREAM TO BECOME” Dream so we may look for our wings that we may not know that it even exist. Yes, as long as we have goals, ambitions to achieve... our wings will eventually manifest. And who says man can’t fly? Think again bec I think we do, as high as as we want... SKY is the LIMIT. So prepare for take off guys, flap your wings and remember one thing, travel light so we can soar even higher. So help us God! Here we go 2017!!!! Cheers everyone!

Barbie hindi na kayang pag-usapan si Kiko Estrada

Consistent ang Kapuso Teen Queen at bida ng Meant To Be ng GMA-7 na si Barbie Forteza na huwag pag-usapan ang naging failed relationship niya sa Kapuso actor na si Kiko Estrada.

Mas gusto pa raw alalahanin ni Barbie ang mga magagandang nangyari sa kanyang career kesa pag-usapan ang mga hindi magandang nangyari sa kanya.

“Naka-move on na ako. Mahirap nang balikan ang mga bagay na hindi naging maganda para sa buhay mo.

“Wala naman akong naging regrets. Siguro hindi lang talaga iyon meant sa akin.

“Mas naging maingat na ako ngayon. Hindi ako basta madadala na,” ngiti pa niya.

Pero open naman daw si Barbie na magpaligaw at hindi siya nagsasara ng anumang pintuan sa mga lalakeng gustong makilala siya.

“Hindi naman ako nagsara ng anumang pinto o bintana.

“Open ako sa dating or magpaligaw. Pero hangga’t maaari, pahinga muna ako sa ganyan. Okey lang ang maging friends muna. Wala munang seryosohan dahil diyan nagkakaroon ng problema, eh.

“In short, no commitment. Ang commitment ko ay sa career ko dahil ito ang happiness ko ngayon,” pagtapos pa ni Barbie Forteza.

Kim Kardashian lumutang na pagkatapos manakawan sa Paris

Nagparamdam na sa wakas sa social media at sa publiko ang reality TV star na si Kim Kardashian-West.

Nag-post na ulit si Kim ng photo sa kanyang Instagram kasama ang mister niyang si Kanye West at ang mga anak nilang sina North at Saint.

Ito ang unang pagkakataon na nag-post ulit si Kim pagkatapos ng nakakatakot na nangyari sa kanya sa Paris last year kung saan ginapos siya at pinagnakawan siya ng mga alahas na nagkakahalaga ng milyones.

Natuwa naman ang 49.3 million followers niya on Twitter at 89.6 million on Instagram na nagbalik na ito sa social media. Nag-post pa si Kim ng isang home video of her family para matigil na ang mga rumors na magdi-divorce na raw sila ni Kanye.

Sunud-sunod kasi ang mga hindi magandang nangyari sa pamilya ni Kim noong nakaraang taon.

Bukod sa pagnakaw sa kanya, nagkaroon pa ng nervous breakdown si Kanye noong November 2016 na naging dahilan kung bakit ito naospital at nakansela ang ilang tour dates niya.

BB GANDANGHARI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with