^

Michael ibang-iba na!

TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - January 4, 2017 - 12:00am

Ibang-iba na rin ngayon ang pasok ng 2017 ng isa pang magaling na singer. Feeling ko ay ngayon na ang tamang panahon ng kanyang singing career.

Kapuna-puna ang aura ni Michael Pangilinan. Noong una kong ma-encounter ang magaling na singer ay payatot pa siya at hindi pogi, pero likas nang maganda ang boses niya.

Pero ngayon, Wow na wow na siya dahil tumangkad siya at gumwapo. Hindi na siya sing-tameme noong una dahil maharot na siya ngayon as in ma-PR na.

Grabe ang tili ng mga babes kay Michael at ngayon nga ay siya na ang idolo ng mga kolehiyala. At take note, nagpakita siya ng abs ng paghubarin siya ni Vice Ganda nang mag-guest ito sa kanyang show na Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN.

Isa pang magaling na singer si Daryl Ong, pana-panahon ang anumang bagay na hangad sa buhay at hindi dumarating agad-agad. Wait ka lang Daryl, dahil pag-ukol at para sa iyo, darating!

Karla inulan ng biyaya

Akalain niyo bang after so many years ay lalaganap din kay Karla Estrada ang biyaya ng Diyos?

Magaling din siyang singer at talagang may boses naman.

Uso noon sa showbiz ang bold star o sexy star, dahil ito ang way ng pagsikat.

Salamat sa isang Rommel Padilla (Board member sa isang distrito sa Nueva Ecija) dahil siya pala ang destiny ni Karla na maging asawa, kaya tuluyan siyang nawala sa showbiz.

At nang magbalik after so many years, mayroon na siyang isang guwapong anak. Si Daniel Padilla at ito ang nag-ahon sa kanya sa kahirapan, kita ninyo si Karla ngayon, matunog ang pangalan sa mundo ng telebisyon.

Isa siya sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime at mayroon din siyang morning show, ang Magandang Buhay.

Malaki ang nagawa sa kanya ni Daniel, at maganda ang family life nila. Less pains kaya matsuba (mataba) siya, pero saludo ako sa kanya, dahil hindi siya sakim at hindi maramot tumulong sa tao na totoong nanga­ngailangan na hindi naghihintay ng kapalit.

Happy Three Kings sa lahat!

PMPC may nakahilerang projects

With the help and blessing ng ating God Almighty, baka makagawa ng isang makabuluhang project ang Philippine Movie Press Club (PMPC), ang isa sa mga pinaka-original na samahan ng entertainment press na 36 years na.

After ng FAMAS at URIAN, ito ang pinagmulan ng Star Awards For Movies, Star Awards For Television at Star Awards For Music, first project ito sa pagpasok ng Bagong Taon.

Naplano ito nang magka-idea ako at ilang mga kindhearted persons na nakausap ko. Isang concert with the cause ang naiisip namin and the proceeds will go to the club’s fund para sa mga nagkakasakit na member.

Kaya this week, sa monthly meeting ng PMPC ay ilalahad ko ang proposal na concert ng isang talented young artist na si Miguel Aguila. Ang galing at much improved na ang kanyang singing voice, bukod sa guwapo siya at matangkad. Puno rin siya ng adhikain at kinabukasan sa musika especially sa pagkanta.

Sayang lang at bigla nawala sa limelight si Miguel. How true na may humaharang sa kanya, at how true rin na pati na sa isang network ay hindi siya pinapapasok? No chance raw na maging part siya ng mga programa at makapag-guest sa mga show nito.

Naku bad ‘yan, if ever na magkaroon ng malinaw na usapan tuloy ang concert with a cause ni Miguel Aguila, tuluy-tuloy na ang kanyang paglipad.

Last Christmas, kumanta siya sa misa ng isang simbahan sa Pasig. Ang daming na-touched sa kanyang carols at higit sa lahat ay nang awitin na niya ang Ave Maria.

Naiyak pa nga ako. Nuot sa puso at kaluluwa ang kanta at marami siyang pinahanga nang ma-guest siya sa isang affair sa Hannah’s Resort sa Pagudpod, Ilocos Norte.

MICHAEL PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with