Vic Sotto
Pinoy Moviefest nina Vic, Vice, at Coco tagumpay, MMFF makahabol kaya?
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 2, 2016 - 12:00am

Mukhang naging matagumpay ang Pinoy Moviefest na sinimulan sa mga sinehan noong isang araw. Napadaan kami sa isang mall at nakita namin ang haba ng pila sa sinehang naglalabas ng dalawang pelikulang Pilipino. Maagang Pasko, sabi nga nila. Nakikita lamang namin ang ganoong kahabang pila sa mga sinehan tuwing Metro Manila Film Festival (MMFF), pero ngayon ay napaaga na sila. Nakakalungkot isipin na baka kung kailan festival na talaga ay saka wala ang ganyan kahabang pila.

Noong una, ang akala namin, dahil sa mga posters na inilalabas nila, isang chain lamang ng mga sinehan ang magsasagawa ng Pinoy Moviefest. It turned out lahat pala halos ng sinehan kasali roon, pati na ang mga sinehan sa probinsya.

Inaasahan nila na sa susunod na linggo ay mas magiging malaki pa ang Pinoy Moviefest na iyan dahil papasok na ang Mano Po 7: Chinoy, na siyang ikatlong pelikula sa festival, plus may move over pang tiyak ang dalawang nauna. Nakakatakot pero baka pagdating ng festival, ubos na ang perang pang-sine ng mga tao.

May isa kaming kaibigang nanood ng dalawang pelikula agad. Siya ay nagsabi rin sa amin na talagang napakaraming tao sa loob ng sinehan. Hindi naman daw siya talagang natawa sa mga pelikula. Mayroon lang daw isa o dalawang eksenang maganda, pero hindi maikakaila na suportado pa rin ng publiko ang mga pelikulang iyon.

Sabi nga niya, “sigurado naman na mas mara­ming nanood ng sine kaysa sa mga nagpunta sa rally sa EDSA”.

Natakot nga rin sila na baka maapektuhan iyon ng mga rally na sinasabing gagawin sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, pero walang epekto iyon sa mga sinehan. Kung sa traffic nga wala silang epekto eh, sa sinehan pa kaya?

‘Di na reporter Atom Araullo mas gustong maging aktor

Hindi sana namin gustong banggitin ang tungkol sa mga bagay na iyon, pero may nagsimula na eh. Totoo na tinanggihan nga ni Congresswoman Vilma Santos ang alok ng director na si Mike de Leon na gumawa ng isang pelikula. Iyon daw ang sinasabi ng batikang director na huling pelikula na niyang gagawin bago ang kanyang retirement. Biopic sana iyon ng legendary ding si Doña Sisang, ang nagtatag ng kumpanyang LVN Pictures.

Pero kailangan ngang tumanggi ni Ate Vi dahil sa kanyang schedule ng trabaho ngayon sa Kamara. Ayaw naman kasi niyang masabing kauupo pa lang niya pero absent na siya agad. Hindi naman makapaghintay ang offer na pelikula na gustong simulan agad ng director.

Pero may narinig pa kaming isa. May project pa raw si Direk Mike na ang bida naman ay ang broadcast journalist na si Atom Araullo. Balita namin tinanggap na ni Atom ang offer, dahil sino nga ba naman ang tatangging maging director si Mike de Leon na itinuturing na henyo ng pelikula?

Si Ate Vi naman, nanghihinayang, pero ano nga ba ang magagawa niya. Sinagot lang niya ang tanong na “bayan o negosyo”.

Baguhang aktor hawak sa leeg ng dating male bold star!

Totoo ang tsismis tungkol sa isang male newcomer sa isang TV network na galing sa isang talent search sa noontime show ng kalaban nilang network. Iyon nga ay may “kakaibang sideline” at ang kanyang handler, “isang dating male bold star na kasali sa isang grupo noong araw.” Pak!

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with