Fabio sa Brazil mag-propose kay Bianca
Fabio at Bianca

Fabio sa Brazil mag-propose kay Bianca

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 30, 2016 - 12:00am

Sinorpresa ng Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ide ang kanyang girlfriend na si Bianca Manalo noong 28th birthday nito ng isang ticket to Brazil para makilala na nito ang pamilya niya ngayong Pasko.

Ang kaibigan nilang si Tim Yap ang nag-post nito sa kanyang Instagram at masaya ito para sa dalawa dahil matagal na nilang pinag-uusapan ang magpakasal.

Nabanggit na rin ni Fabio dati na nasa edad na siya na iniisip na niyang mag-settle down. May anak na siya at may girlfriend siya na mahal na mahal niya.

Heto ang post ni Tim:

“So @biancamanalo just landed from a 30 hour flight from Albania where her sister@nicholemanalo competed (Breaking news: She’s just got crowned as 3rd Runner Up for#MissGlobe) and we surprised her on the eve of her birthday! Led by @fabioideofficial, of course. His birthday gift for her? A trip to Brazil this Christmas to meet his parents. Happy birthday, B! #thisisit

Higit na isang taon na ang relasyon nila Fabio at Bianca. Nasabi na rin noon ni Bianca na ready siyang maging stepmom sa anak ni Fabio kay Denisse Oca. At ready na rin daw siyang mag-settle down kung pormal nang mag-propose si Fabio sa kanya.

Mukhang mangyayari na nga ito dahil sa wakas ay mami-meet na ni Bianca ang buong pamilya ni Fabio sa Brazil ngayong Pasko.

Marc tututok muna sa pagbabanda

Nagpaalam na ang character ng singer-actor na si Marc Abaya sa GMA afternoon teleserye na Hahamakin Ang Lahat. Kahit short man ang role ni Marc, nagpasalamat ito sa naging experience niya sa paglabas sa naturang teleserye.

“Acting has always been a scary thing, in a good way.

“It’s exciting because I know that there’s so many better actors.

“I’m just lucky to land a role like that. And next to Snooky (Serna), are you kidding?” sabay tawa niya. “As an actor, I think that I have so much more to learn. As a musician too,” dagdag pa niya.

Dahil wala muna siyang pinagkakaabalahan na teleserye, ang mga gigs naman ng banda niyang Kjwan ang kanyang haharapin. Natutuwa lang si Marc dahil marami na raw bagong banda ngayon at magagaling ang mga ito pagdating sa pagpili ng kanilang music. Next year ay may ilalabas ma bagong album ang Kjwan at kukuha sila ng inspiration sa uso ngayon na EDM or electronic dance music.

Hollywood actress na si Evan Rachel Wood umaming na-rape

Inamin ng Hollywood actress at isa sa bida ng HBO series na Westworld na si Evan Rachel Wood na dalawang beses siyang naging biktima ng rape.

Sa interview ni Wood sa Rolling Stone magazine, sinabi ng aktres na nag-suffer siya with “physical, psychological sexual” abuse.

“Yes. I’ve been raped. By a significant other while we were together. And on a separate occasion, by the owner of a bar.

“I don’t believe we live in a time where people can stay silent any longer. Not given the state our world is in with its blatant bigotry and sexism,” pag-amin pa niya.

Inamin noon ng 29-year old actress na isa siyang bisexual noong 2011. Ginamit daw ang kanyang pagiging bisexual para ma-exploit ang pagkatao niya. Nagbago lang daw ang lahat noong ipinanganak niya ang kanyang son with ex-husband Jamie Bell noong 2013.

“I had my son, and that changed everything. It got me out of my own s***. I just couldn’t be what I was not. And I think that’s been a lot of my journey, honestly.”

BIANCA MANALO FABIO IDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with