Ping
Matapos ihian sa mukha, ari ni Baron napagkamalang daliri ni Ping Medina!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 30, 2016 - 12:00am

Pinag-uusapan ngayon sa showbiz ang “urination incident” na kinasasangkutan nina Baron Geisler at Ping Medina na unang kumalat sa social media noong Monday.

Ayon sa kwento mismo ni Ping sa kanyang Facebook account, inihian siya ni Baron habang ginagawa nila ang eksena sa indi film na Bubog directed by Arlyn dela Cruz.

Lasing daw si Baron ayon sa kwento ni Ping.

Sa kanyang mahabang Facebook post ay idinetalye ng character actor ang pangyayari na sinimulan niya mula sa pagdating niya sa location nila sa Subic.

Matino raw si Baron nang magkita sila sa set at nagkwentuhan pa sila ng limang oras sa balcony nung gabi na umabot ng madaling-araw.

“Naisip ko, wow, change is coming. First time ko makausap si Baron nang hindi lasing. Kahit mabagal magsalita, naisip ko, kung ano man tinitira nito mas okay na to, kasi kalmado lang siya at may sense kausap. Imbis na alak, turmeric tea ang hawak mo.

“Limang oras tayo nagusap. Sa totoo lang, matino ang usapan natin sa balcony. Kahit puro sarili mo lang ang pinaguusapan natin, nag enjoy naman ako sa pagbigay ng advice.

“Gusto mo na bumalik sa ABS at mag set ng meeting with madame Cory Vidanes no less. Sabi ko, go! Pero one time big time card yan. Pag nag­loko ka, tapos ka na. Gusto mo rin itry sa GMA. Sabi ko pwede ko kausapin si sir Jake Tordecillas.

“Pero aaminin ko, halos nalimutan ko na kung gaano ka ka-selfish. Kahit iibahin ko ang topic, like the recent MMFF controversy, somehow you always find a way to make the conversation about you. Na remind ako na nakakairita pa rin siya. Pero sige, pagbigyan ko na to.

“Nakinig ako sayo.  Kinausap kita bilang kaibigan. Gusto talaga kita tulungan,” bahagi ng post ni Ping.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng aktor, matapos ang kwentuhan nila ay nangutang pa ng P200.00 si Baron sa kanya dahil nagugutom daw ito at magpapabili ng pagkain. Binigyan naman niya only to find out na apat na beer ang pinabili at hindi pagkain.

The following day naganap ang nakakalokang insidente. Sa kwento ni Ping, may eksena sila ni Baron and before the take ay may hawak nang beer si Baron.

“Ginawa natin ang eksena at natural, nilamon kita. Dahil magaling ako na artista. Magaling ka rin naman, pero lasing ka. Kasalanan ko ba yun?” post ni Ping addressing Baron.

Pagkatapos ng scene na ‘yun ay may mabigat pa raw silang eksena na siyang opening sequence ng movie.

“Ang gagawin mo lang dapat ito: papasok ka sa huli ng eksena, tatanggalin ang tape sa bibig ko, to silently listen to me beg for my life, tapos aalis ka na para iwanan ako sa 3 goons mo. Simple lang diba?

“Nakagapos na ang mga kamay at paa ko. Nakaikot ang tape sa bibig ko para di makasigaw. Literal na hindi ako makagalaw. Naka prepare nako emotionally dahil papatayin nako dito,” patuloy ni Ping sa kanyang post.

So, nag-take na nga. Habang gumigiling na ang camera ay nakita raw niyan g binubuksan ni Baron ang zipper nito.

“Siguro dahil ang lalim ko na sa eksena. Umiiyak ako at may mga luha ang mga mata ko kaya di ko makita ng mabuti.

“In fairness, wala rin naman masyado makikita. Iniisip ko, baka daliri lang niya yun. Mukhang pinky finger? Kamukha at kasing hugis ng lumang chips na Kornets. Or like a junior baby corn. (Totoo ata ang chismis)

“Napakabilis ng pangyayari,” post ni Ping, “naramdaman ko na lang na may bumabasa sa dibdib ko. Medyo mainit at may amoy. Unti unti ko na realize na p____a, ginagawa niya talaga to. Umagos ito. Basang basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape.

“One take lang dapat ang eksena: so sinubukan ko mag stay in character. Pero at the same time nawawala na ako sa character.

“Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw. Dapat nagmamakaawa ako eksena, pero ang nasasabi ko: p___a ka! P___a ka! P___a ka!

“Sabi ko, dahil professional ako, sige tatapusin ko na ang eksena. Pero p____a mo yari ka sakin,” post pa ni Ping.

Pinalabas na raw ng direktor si Baron at sa galit niya, sinuntok niya at sinipa ang bakal na pader. Pagkatapos nito ay lumabas siya at dumiretso kay Baron.

“Hinahamon ko siya ng suntukan. Sinampal ko siya. ANO??? ANO??? ANO???

“Pero nakita ko na hindi siya lalaban. Wala akong interes na bumugbog sa walang kalaban laban.

“Dahil alam ko, kapag nabigyan na kita ng isa, mageenjoy na ako. At hindi ko na alam ang magagawa ko sayo. Malamang something na pagsisisihan ko. Yung tubo sa gilid, muntik ko na damputin. Kaya naglakad na lang ako palayo,” lahad pa ni Ping.

Ang sumunod na post ng aktor ay puro pagmumura na kay Baron at hindi mo naman talaga siya masisisi.

BARON GEISLER AT PING MEDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with