Bossing Vic Sotto at asawang si Pauleen Luna
Second honeymoon nina Vic at Pauleen naunsyami!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 28, 2016 - 12:00am

?Ang Bethlehem trip sana nina Bossing Vic Sotto at asawang si Pauleen Luna this Christmas ang kanilang unang beses na pupunta sa nasabing bansa. Ikinasal sila noong January 30 last year.

“Kaso nga lang,” said a kibitzer. “Nakatakdang ikasal ang anak na babae ni Bossing Vic, si Paulina (kay Angela Luz), sa kanyang boyfriend na si Jed Llanes, first day of next year.

“Natural na ‘di puwedeng wala si Bossing Vic at Pauleen sa napakaimportanteng okasyon na iyon sa kanilang pamilya.”

Nasa plano pa rin naman nila ang pagpunta ng ibang bansa para sa kanilang anniversary. Pupunta raw sila sa safari in three African nations, Kenya, Botswana, at Zimbabwe. Pareho raw kasi silang mahilig sa lahat ng may kinalaman sa wildlife.

Right now, however, foremost in Bossing Vic’s mind is the release of his new movie, Enteng Kabisote 10 and the Abangers, which his own film firm, M-Zet Productions, co-produced with OctoArts Film and APT Entertainment.

Directed by Tony Reyes and Marlon Rivera ang pelikula ay hindi pinalad na makasali sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Napaka-contemporary pa naman daw sana ng Enteng Kabisote 10? at tiyak ni Bossing Vic na marami, lalo’t sa mga kabataan ngayon na aware sa bagong technology, ang makaka-relate sa pelikula.

Ang pelikula ay ipalalabas na sa November 30, makakasama niya rito sina Oyo Boy Sotto, Epi Quizon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Aiza Seguerra, Bea Binene, Ryzza Mae Dizon and rising child wonder Alonzo Muhlach, among others. Featured din sa pelikula sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Erich at Daniel wala pang alam sa magiging kapalaran ng career!

Two years na palang mag-sweetheart sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Bilang selebrasyon ng kanilang anniversary, bibisitahin nila ang New York kasama rin ang ina ni Daniel na dito na rin sa Pilipinas naninirahan.

Samantala, ang ama ni Daniel ay nasa Brazil pa rin dahil may trabaho pa ito sa isang electric company doon.

Guess nga pala, Salve A., kung saang bahay nakatira ngayon sina Daniel and his Mom?

Sagot: Sa bahay na napanalunan niya when he emerged as champ sa isang season ng Pinoy Big Brother (PBB). Bukod sa bahay, kabilang din sa prize na natanggap ni Daniel from the reality contest ang tumataginting P1-M.

Babalik sila before Christmas.

As of this writing, wala pang tiyak na assignment sina Erich at Daniel to replace their katatapos na high rating series, Be My Lady.

Pelikula nina Julia, Joshua, at Ronnie? pang-millenial daw!

Ikinu-consider ng tatlong young talents ng Star Cinema na sina Julia Barrreto, Ronnie Alonte, at Joshua Garcia na sobra silang maswerte dahil isa sa walong pelikulang napili para ipalabas sa MMFF 2016 ang kanilang pelikula.

Magsisimula ito sa December 25. Ito ‘yung pelikulang Vince & Kath & James na idinirek ni Ted Boborol.

The committee in charge of choosing the Magic 8, kumbaga, describe Vince and Kath and James, are the movie probably intended for millennial. But it could actually appeal to all generations, they unanimously say.

Punung-puno raw ng hugot lines at mga ekse?ang tunay na nakakakilig ang pelikula. Well, among the three stars, si Julia ang maituturing na bete?ana na, since she has appeared na in some films and TV shows in the past.

Napapanood si Joshua sa The Greatest Love kunsaan gumaganap siyang apo ni Slyvia Sanchez.  Agaw-pansin siya sa kanyang role bilang nakababatang kapatid ni Daniel Padilla sa blockbuster movie na Barcelona: A Love Untold.

Si Ronnie naman ay member ng dance group na Hashtags. Nagkaroon din siya kamakailan ng sari?ing concert na ginanap sa Kia Theater.

BOSSING VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with