_pang-masa
^

Pang Movies

Goma hindi pinaniniwalaan ng netizens na sangkot sa droga

TINAGSIP - Ed de Leon - Pang-masa

Bagama’t nauna nang sinabi ni Presidente Duterte at ni General Bato na naniniwala sila sa version ng istorya ng CIDG sa nangyaring pagpaslang kay Mayor Rolando Espinosa bago pa man natin narinig ang mga imbestigasyon ng senado, siguro naman hindi sila maniniwala agad sa pagkakasangkot ni Richard Gomez sa usapin ng droga.

Pero si Goma, hindi pababayaan iyan. Kagaya ng kanyang sinabi, nagsampa nga siya ng kasong administratibo sa NAPOLCOM laban sa mga pulis na nagsangkot sa kanya sa usapin. Hindi nangangahulugan na hindi rin siya magsasampa ng kaukulang kaso sa korte. Ang isinampa niya sa NAPOLCOM ay kasong administratibo. Ang sa korte ay kasong criminal naman dahil sa paninira sa kanya.

Hinihingi ni Goma na ma-dismiss ang mga inireklamo niyang mga pulis dahil sa ginawa sa kanya. Palagay namin, ma­giging matagal na usapan iyan dahil medyo matataas din naman ang rank ng mga nakalaban niyang opisyal. Unless u­mak­siyon nga ang presidente mismo o si Chief PNP Bato.

Doon sa pagkakasangkot ni Goma sa droga, sinasabi nga niyang iyon ay may bahid ng pulitika. Sinasabi rin niya na may mga saksi na nagsasabing ang mga listahan ay gawa lamang din ng ilang pulis. Pero ang akusasyong iyan ay kailangang ma­imbestigahan pa sa ngayon. Siyempre, mag­haharap naman sila ng kani-kanilang nakuhang ebidensiya.

Pero kung ang pagbabatayan ay public opinion, maliwanag sa social media na walang naniniwalang si Goma ay involved sa droga. Lahat ay nagsasabing wala pa siya sa puwesto, wala pa iyang nangyayari ngayong drug war, si Goma ay may sarili nang giyera laban sa droga.

Hindi natin alam kung gaano katagal ang magiging usaping iyan, pero naniniwala kami na in the end magtatagumpay naman ang kataru­ngan.

Aljur ayaw mag-react sa apology ni Prince

Wala raw talagang response si Aljur Abre­nica sa ipinaabot sa kanyang apology ni Prince Stefan, na nagbulgar sa isang podcast na nabosohan niya si Aljur nang magkasabay silang maligo sa bath tub. Inamin naman niya kahit noon na noong mapansin ni Aljur na binobosohan siya, umalis bigla iyon at humingi na ng ibang room na tutulugan. Nangyari raw iyan sa isa nilang out of town show noon.

Hindi namin masisisi si Aljur kung hindi man tanggapin ang apology ni Prince. Kung iisipin mo nga, to Aljur’s credit, mabuti at hin­di niya hinanap at sinapak ito. Ewan na­man kung bakit hindi yata nag-iisip si Prince Stefan nang sabihin iyon sa podcast. Talagang mahilig sa sex questions si Mo Twister maski noong araw pa. Ok lang siguro kahit na ano’ng sabihin niya tungkol sa sarili niya, kagaya ng isang model na umamin na siya ay bakla and at the same time ay “paid escort” siya. Pero ang idawit mo pa ang ibang tao, ibang usapan na iyon.

Pinay aktres na patay na patay ano kayang sey? Ricky Martin magpapakasal na sa BF!

Umamin na ang international superstar na si Ricky Martin na engaged siya sa kanyang boyfriend na si Jwan Yosef at magpapakasal sila sa loob ng isang taon. Anim na taon na rin ang nakalipas mula nang umamin si Ricky na isa siyang bading.

Ang lakas nga ng tawa namin dahil naalala namin, noong nagpunta si Ricky Martin sa Pilipinas bilang miyembro ng Menudo ay crush na crush siya ng isang aktres. Talagang pakamatay siya kay Ricky Martin.

Ano kaya ang naiisip niya ngayong bakla pala iyon at magpapakasal pa sa kapwa niya lalaki?

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with