John hindi sini-seryoso ang taping
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 11, 2016 - 12:00am

Nagsimula ang Banana Sundae eight years ago at ang titulo nito ay Banana Split pa. Sa loob ng walong taon ay napakarami nang pagbabagong naganap sa gag show. Nariyan ‘yung ibahin ang title, ang timeslot, may nawalang mainstay at may nadag­dag na bago pero patuloy pa ring namamayagpag ang show which is one of the reasons kung bakit ito tumagal ng maraming taon.

Sa original mainstays nito noong 2008, tanging si Angelica Panganiban na lang ang natira. Sina Pooh, John Prats, at Jason Gainza ay nang sumunod na taon (2009) nakasama at hanggang ngayon ay nandiyan pa. Si Ryan Bang ay noong 2010 naman pumasok habang sina JC de Vera and Aiko Climaco naman noong 2013. Last year ay sina Pokwang, Sunshine Garcia, at Jessy Mendiola naman ang nadagdag na mainstays.

Dahil sa tagal nilang magkakasama, ayon nga kay John sa presscon kahapon para sa kanilang 8th anniversary, talagang parang isang pamilya na ang turingan nila.

“’Pag nasa taping po kami, nag-e-enjoy lang kami. Parang hindi kami nagtatrabaho. Tinatanong ko nga minsan sa sarili ko, parang ano ba ‘yung sikreto ng show, bakit ba tayo tumagal ng 8 years? Bakit tayo nagustuhan ng mga Kapamilya natin?

“Maybe because, siguro, ‘yung bond namin is genuine, talagang magbabakarda kami. Na kahit na may teleserye kami, ‘yung Thursday namin, sagrado ‘yun na ‘pag nag-taping kami, ‘yun ‘yung parang humihinga kami at para mag-enjoy kami,” sabi ni John

Lahat na nga raw ng timeslot ay napuntahan na nila.

“Naging gabing-gabi na kami, Sabado, umaga, 9 a.m., naging hapon, hanggang ngayon Linggo na, 2 p.m. So, ang daming pinagdaanan ng show na akala namin, hindi namin kaya. From gag show na nag-live kami,” say pa ni John.

At bilang pasasalamat sa fans sa walang sawang pagtangkilik sa gag show sa loob ng 8 taon, isang anniversary show ang kanilang gagawin sa Kia Theater sa Nov. 17 titled Banana Sund8. Magkakaroon daw ng maraming pasabog na production numbers ang Banana Sundae barkada kasama ang kanilang surprise celebrity guests.

Encounter nila ni Angel hinihintay Jessy walang label ang relasyon kay Luis!

Si Jessy naman ay natanong kung ano ang reaksyon sa napapabalitang guesting ni Angel Locsin sa Banana Sundae at ayon sa young actress, alam daw niyang naka-schedule na talaga itong mag-guest pero hindi natuloy.

“Supposedly, maggi-guest po talaga siya, nagkataon po yata, wala ako nu’ng day na ‘yun,” sey niya.

So, okay lang sa kanya kung sakaling matutuloy na?

“Bakit naman po? Hindi naman po ako ‘yung may hawak ng show, eh. Sumusunod lang po ako.”

Iwe-welcome ba niya ito?

“Why, yes, of course!” she said.

Matatandaang nagkaroon ng issue sa pagitan nina Angel at Jessy nang ma-link ang huli kay Luis Manzano na ex-boyfriend ng una. At that time kasi ay may mga tsikang third party siya sa hiwalayan ng dalawa na matagal na rin niyang itinanggi.

Natanong din si Jessy kung open ba siya na maging friends sila ni Angel at aniya ay oo naman.

“I’m not saying na talagang chummy na friends, pero di ba, panahon lang ‘yan, eh. Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okay. Kung saan ako masaya, ‘yun. May mga kanya-kanya kaming buhay so, parang it’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit sa isa’t isa para sa wala o kaya paulit-ulit na lang tayong lahat.

“Blooming naman siya ngayon, so parang, ‘di ba, ano pang sense kung bakit kailangan nating i-push pa ‘yung issue na ‘yun?”

Hindi na rin ba siya naapektuhan kapag may mga nagsasabi pa rin na siya ang third party sa hiwalayan nina Angel at Luis?

“Hindi, kasi alam kong hindi totoo, eh. ‘Pag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan.”

Samantala, natanong si Jessy kung ano na ba talaga ang tunay na estado nila ni Luis at say niya, masaya raw sila at peaceful.

Matatandaang inamin na rin naman ng aktres na nasa MU (mutual understanding) stage sila ni Luis ngayon.

Ang terms of endearment pala nila ni Luis ay Chops and Chokes. When asked why, sey niya, “Naku, siya ang tanungin n’yo diyan, baka mapagalitan niya ako. Siya na lang ang tanungin n’yo kung bakit, huwag ako.”

BANANA SPLIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with