Kim game kahit sa tikiman kay Gerald!
Kim
Kim game kahit sa tikiman kay Gerald!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 10, 2016 - 12:00am

Mabuti na lang at nakumbinsi ni Mr. Johnny Manahan si Kim Chiu na muling makipagtrabaho kay Gerald Anderson sa Ikaw Lang ang Iibigin ng Dreamscape.

Ipinaliwanag ni Kim sa isang interview na tama si Mr. M na hindi na sila teenager ni Gerald para magpa-tweetums pa.

Ngayon ay kailangan na rin niyang mag-level up sa kanyang career at sinabing gusto rin naman niya (Kim) ang bagong challenge sa kanyang acting.

Bale ba isang athlete si Kim na sasali  sa triathlon na susunod sa yapak ng kanyang ina. Natuwa si Kim na kahit man lang daw sa role ay naranasan niya na mag-training ng triathlon.

Higit na thankful si Kim na buhay pa rin ang fans nilang Kimerald ni Gerald.

Pakiusap lang ni Kim na huwag na silang gawan ng isyu ni Gerald dahil pareho na silang masaya at kuntento sa kanilang personal na buhay.

Hindi raw tatanggi si Kim kapag nagkaroon sila ng intimate scenes ni Gerald dahil pareho raw sila ng actor na handang gawin ang mga eksena.

Diin pa ni Kim na 10 years na silang artista ni Gerald at sinisiguro nito na magiging maayos ang kanilang pagtatrabaho. Basta ini-enjoy nila ang mga sandali na muli silang magkasama sa trabaho.

MR. JOHNNY MANAHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with