^

Pang Movies

Doble Kara nangunguna pa rin

CULTURE VULTURE - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lalo pa ngang kinakapitan ng mga manonood ang mas umiinit na tagpo sa  Doble Kara kaya naman patuloy itong namamayagpag at buong linggo tinalo ang bago nitong katapat na programa sa national TV ratings.

Mula nga October 31 (Lunes) hanggang November 4 (Friday), nakapagtala ng lima hanggang anim na puntos na lamang ang Kapamilya serye laban sa Hamaking ang Lahat, ayon sa datos ng Kantar Media, pinakamataas na agwat noong Huwebes (Nov 3), kung saan nakakuha ang Doble Kara ng 17.6% kumpara sa 11.3% ng kalabang palabas.

At sa pagpapatuloy ng kuwento, isang plano ang isakatuturapan ni Sara (Julia Montes) upang makatakas mula sa kulungan at mailayo sa kapahamakan ang kanyang anak na si Becca at ang pamilya nito. Ngunit hindi magiging madali para sa kanya ang daan ng kalayaan sa panganib na nagbabadya sa kanyang iligal na paglaya.

Mapagtagumpayan kaya ni Sara ang kanyang plano? Ano kayang kapahamakan ang naghihintay sa kanya?

Huwag palampasin ang nangungunang Kapamilya afternoon series na Doble Kara,  tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 

 

DOBLE KARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with