Natasha Villaroman at Paulo Avelino
Non-showbiz gf ni Paulo, may sariling ‘Iglesia’
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 8, 2016 - 12:00am

Noong humarap siya sa presscon ng Unmarried Wife, tahimik lang si Paulo Avelino sa sinasabing non-showbiz girlfriend niya. In fact nang magtanong sa kanya casually tungkol doon pagkatapos ng presscon, ngumiti lang siya at parang sinabing panatiliin na lang private iyon. Talaga namang hindi nagsasalita si Paulo tungkol sa kanyang private affairs.

Hindi ba maski na nga iyong naging relasyon niya noon kay LJ Reyes ay hindi naman masyadong napag-usapan hanggang sa ipanganak na lang ang baby nila. Hindi rin siya naging makuwento noong panahong naging mag-on sila ni KC Concepcion. Eh di lalo na nga ngayon na sinasabing non-showbiz ang girlfriend niya.

Narinig lang namin ang pangalan ng girl, si Natasha Villaroman, pero hindi naman namin siya kilala, hanggang sa mag-react na nga lang ang ermat niya nang bina-bash na siya sa social media ng ilang fans ba iyon o talagang hecklers lang.

Iyan palang si Natasha Villaroman ay anak ng dating governor ng Dinagat Islands na si Jade Ecleo. Si Governor Jade ay natatandaan naming kumakanta rin noong araw. Bale ang lolo ni Natasha ay si Ruben Ecleo Sr., na siya namang nagtatag ng Philippine Benevolent Missionary Association sa Dinagat. Supposed to be, isa iyong non-deno­minational organization. Bale iyang si Natasha ay pamangkin ng dating congressman at kontrobersiyal na naging leader ng PBMA matapos na mamatay ang tatay nila, na si Ruben Ecleo Jr. Naiugnay iyon sa isang kontrobersiyal na kaso noon.

Kung makikita ninyo ang punong simbahan niyang iglesia na itinatag ni Ecleo, para iyang isang napakalaking palasyo. So iyon pala ang girlfriend ngayon ni Paulo Avelino.

Robin hindi pa rin pinagbibigyan ng US 

Mukha talagang nahihirapan si Robin Padilla na makakuha ng visa para ma­ka­pasok sa US. Matagal na niyang hinihintay ang visa na iyan. Marami na ang nag-request sa US Embassy na bigyan naman ng kunsiderasyon ang katotohanan na manga­nganak na ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez. Pinili ni Mariel na sa US manganak dahil siya rin ay isang American citizen.         

Si Robin naman ay ayaw bigyan ng visa noon pa man dahil sa kanyang naging kaso noong araw. Bagama’t siya ay binigyan na ng parole ng gobyerno, at sinasabi ngang sa ngayon ay posible na siyang makakuha ng isang executive clemency, na magbabalik sa lahat ng kanyang civil rights, pati na ang pagboto at pagkandidato para sa isang public office.

Pero mukhang ang maganda niyang record matapos na lumabas sa kulungan ay hindi sapat para makumbinsi ang mga consul ng US Embassy sa Maynila na bigyan siya ng visa. Kamakailan sumulat pa ang kaibigan niyang si Linggit Tan ng ABS-CBN para patunayang si Robin ay may kontrata sa kanilang kumpanya at siguradong babalik naman ng Pilipinas pagkatapos na manganak ang kanyang asawa.

Si Robin, bagama’t nagkaroon ng ganoong kaso dati ay kilala naman bilang isang mabuting tao, at siguro nga maganda naman ang buhay niya sa Pilipinas bilang isang artista kaya walang dahilan para manatili siya sa US kung sakali. Tiyak na babalik iyan si Robin sa Pilipinas dahil sa kanyang mga commitment dito.

Aywan nga lang kung bakit hindi pa sila makumbinsi na payagan naman siya na makasama ng kanyang asawang manganganak doon.

PAULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with