Kobe
Kobe target makapaglaro sa Gilas
SAPOL - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 2, 2016 - 12:00am

Sa nalalapit na NCAA Basketball Season sa Amerika, naghahanda na ang bunso ni Benjie Paras na si Kobe Paras para sa paglaro nito sa team na Bluejays ng Creighton University sa Nebraska. Kasama ang naturang university sa Division 1 ng NCAA, ang pinakamataas na division kung saan kasama ang pangunahing collegiate teams.

Ayon kay Benjie, tama lang daw ang desisyon ng kanyang anak na lumipat sa Creighton pagkatapos na hindi ito tanggapin sa UCLA.

Sa Creighton ay kakaunti pa lang daw ang mga Pinoy.

“We’re a fast-paced team, and all we do is conditioning.

“I fit in there because I do hustle plays and I bring energy.

“Every time we are running, I’m the type of person who is going to uplift everyone.

“It was really difficult for me at first because they had different plays that I did not know of,” pahayag pa ni Kobe.

Nabanggit din ni Kobe na hangad niyang maglaro para sa Gilas Pilipinas balang-araw. “I want to be part of the Gilas team. It has been a dream of mine to represent my country,” diin pa niya.

May mensahe si Kobe para sa mga Pilipinong patuloy na sinusuportahan ang kanyang basketball career. “Mga kababayan, salamat po sa lahat ng mga ibinibigay n’yo sa akin. Promise na promise ko na magiging masaya po kayo sa mga games namin,” pagtatapos pa ni Kobe Paras.

Derrick naghahanap ng seseryosohin

Hindi nga raw malabo ang possibility na magkaroon ng relasyon ang Kapuso love team na sina Derrick Monasterio at Bea Binene. Muling nagtambal ang dalawa sa comedy-adventure series na Tsuperhero. Huli silang nagtambal sa teleserye na Hanggang Makita Kang Muli.

Sa edad ngayon na Derrick, hanap na raw nito ang seryosong relationship. Tapos na raw siya sa pagiging malandi sa mga babae.

“Kasi nung bata ako malandi po ako eh. Alam n’yo naman ‘pag teenager, alam n’yo ‘yung mga gusto mga walang commitment mga ganun-ganun lang.

“Ngayon, 21 years old na po ako, parang kailangan ano na, parang may someone to depend on na, may ganung pananaw.”

Para sa kanya, si Bea ay “more than a friend”.

“Iba ‘yung tingin ko sa kanya kaysa sa mga ibang love teams ko.

“Kasi sa mga ibang love teams ko, talagang parang super tropa. Siya parang feeling ko may chance baka in the future parang ganun,” pagtatapos pa niya.

Para naman kay Bea, hindi pa raw siya gano’n kahanda para mag-commit ulit.

Hindi nga raw kasi naging maganda ang ending ng relasyon niya sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Vargas. Pero hindi naman daw iyon nakasira sa pagtingin niya sa mga lalaki.

“Wala naman akong trust issues na tinatawag. Never akong naging man-hater.

“Alam ko naman na ang mga lalaki, hindi naman sila pare-pareho. Iba-iba ang ugali nila at ang pananaw nila pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Kami naman kasi ni Derrick, okey kami. Marami na akong alam tungkol sa kanya and vice versa.

“Kung magiging kami? Depende iyon sa fate. Kung kami talaga, magiging kami.

“Nothing is impossible naman. Sa ngayon, enjoy lang kami sa company ng bawa’t isa. Walang expectations,” pagtatapos ni Bea Binene.

Rafael ‘di kasama ang gf sa bakasyon

Dahil nagtapos na ang Sinungaling Mong Puso, vacation mode muna ang mga bida rito na sina Rhian Ramos, Kiko Estrada at Rafael Rosell.

Nauna nang nakapagplano si Rafael ng kanyang bakasyon kasama ang ilang mga kaibigan na sina Will Devaughn, Roxanne Barcelo, at Abby Asistio.

Since mahilig sa nature tripping si Rafael at ang kanyang friends, nag-hiking sila sa Mt. Daraitan sa Tanay, Rizal.

Nai-share nga ni Kapuso hunk ang kanilang pag-akyat sa pamamagitan ng video sa Instagram.

Heto ang naging caption ni Rafael sa naturang video: “When they all tell your character to take a hike, so you end up trailblazing. Excuse my accent. I switch between three or four kinds depending on my mood, my joke, my point and my friends.

“Sometimes, it all comes out all at the same time, and only God knows where on the planet someone with mixed accent could be from!

“My nearest and dearest know this. When I find myself in a comfortable environment, my various accents come to life. I guess it’s just a sign that I’m being comfortably me.”

Hindi nga nakasama ang nababalitang girlfriend ni Rafael na si Valerie Chia sa kanilang pag-akyat ng bundok.

Parati pa naman daw naisasama niya ito sa kanyang mga out-of-town adventures. Pero sa pagkakataong ito ay hindi nakasama ang rumored ladylove niya.

BENJIE PARAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with