Ang anak kong tiyanak
(Pang-masa) - October 29, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang totoong kwento ni Benjie –  isang binata na nagkaroon ng anak na tiyanak.

Itinatampok sina Mike Tan, Boy 2 Quizon, Lauren Young, Vaness Del Moral, Crispin Pineda, Glenda Garcia, Lovely Rivero, Shermaine Suarez, Gerald Madrid, at Kiel Rodriguez.

Matagal nang may gusto si Benjie kay Isay. Kaya niligawan niya ito at agad naman siyang sinagot ni Isay. Isang gabi, dahil na rin sa matindi nilang pagmamahalan sa isa’t isa ay may nangyari sa kanila. Sinabi ni Benjie kay Isay na pananagutan niya si Isay kahit na anumang mangyari dahil para sa kanya, si Isay na ang babaeng mamahalin niya habang buhay.

Subalit, kinailangan ni Benjie na isakripisyo ang pag-ibig niya kay Isay dahil siya ang napili ng lolo niya na pasahan ng kwintas at kakayahang manggamot ng kapwa. Masakit man sa kanya, nagpaalam siya kay Isay.

Matapos ang mahigit isang taon, bumalik si Benjie sa kanila. Pero labis naman ang kanyang naging kalungkutan nang malaman niyang patay na pala si Isay.

Isang araw, biglang dumating ang isang matinding pagsubok kay Benjie. Isang kababalaghan ang nangyayari sa bayan nila. May sumasanib na tiyanak sa mga tao. 

Agad na pumunta si Benjie sa pamilya nina Isay para patahimikin ang tiyanak. Dito na nalaman ni Benjie ang totoo. Nagpakamatay pala si Isay dahil nabuntis ito at si Benjie ang ama.

Paano kung ang tiyanak na umaatake pala sa kanilang lugar ay siya ring anak ni Benjie? Magagawa niya kayang labanan ang sarili niyang anak?

Mula sa direksyon ni Lore Reyes, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

BENJIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with