^

Pang Movies

Joyce umatungal nang mag-two piece

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mabuti na lang daw ay sa swimming pool ang eksena ni Joyce Ching noong pinagsuot siya ng two-piece bikini sa teleserye na Hahamakin Ang Lahat dahil umiiyak daw siya habang isinu-shoot ang eksenang iyon.

Inamin ni Joyce na sobra siyang na-overwhelm sa naturang eksena kaya kailangan niyang iiyak ang nararamdaman niya. Kaya hindi raw nahalata ng mga nasa paligid dahil basang-basa ang mukha niya.

Medyo nag-dalawang-isip daw si Joyce noong kukunan na ang bikini scene niya.

 “Pero taping na eh. Kaya parang awa n’yo na po manood kayo ng Hahamakin Ang Lahat, iniyakan ko po ito!” tawa pa niya.

Noong matapos na raw ang eksena, mabilis siyang nilapitan ng kanyang partner na si Kristoffer Martin para takpan ng tuwalya.

“Kung praning ako, mas praning si Kristoffer sa eksenang iyon.

“Kasi noon, ayaw niya akong masyadong nagpapakita ng skin sa mga suot ko. Bawal ang masyadong maigsing shorts, bawal ang sleeveless. Kaya doon kami hindi nagkasundo. Kahit hindi na kami… I know na nandiyan siya for me,” pagtapos pa ni Joyce Ching.

Snooky gustong makipag-BFF sa GF ni Ricardo

Handa raw maging BFFs (Best Friend Forever) sina Snooky Serna at Marina Benipayo. Si Marina ang current girlfriend ng ex-husband ni Snooky na si Ricardo Cepeda. Nagkataon pa na magkasama ang dalawa sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat.

Ayon kay Marina, noong nag-pictorial na raw for Hahamakin Ang Lahat sila nagkita face-to-face ni Snooky. Never pa raw silang nagkikita ng personal sa limang taong may relasyon sila ng ex-hubby nito.

“I just know her just as Snooky Serna. She was a child actress, sikat na artista when she was a teenager. That was all that I knew about her.

“There wasn’t an opportunity na mag-meet kami noon. But her kids, they tell me that Snooky appreciates the love and care na ibinibigay ko sa kanila.

“Sina Sam and Sachi naman, they live with Snooky. They just go to our house on weekends kasi mahilig akong mag-plan to go out of town.

“Mababait at matatalino ang mga anak nila and I credit that to both Richard and Snooky,” ngiti pa ni Marina.

Model and former beauty queen si Marina. Kinoronahan siyang Miss Maja Pilipinas noong 1992. Same year na nagsimula siyang pumasok sa showbiz.

Kapuso actress na galing Starstruck hindi pinagplanuhan ang showbiz

Pang-beauty queen ang dating ng bagong Kapuso actress na si Analyn Barro.

Produkto ng Starstruck 6 si Analyn at isa siya sa nakapasok sa Top 14.

Taga-Ormoc City siya at nakatuwaan lang daw ng kanyang barkada na mag-audition para sa Starstruck.

 “Talagang pumila kami. Pero wala akong expectation na matatanggap ako. ‘Yung isang friend ko ‘yung gustung-gusto. Ako okey lang na hindi kasi naka-focus ako sa studies ko,” kuwento pa niya.

Pero laking gulat ni Analyn na bigla siyang tinawagan para sa call-back ng Starstruck pagkatapos ng ilang buwan.

“Nagulat ako kasi noong ako na nag-audition, wala naman akong ipinakitang talent talaga. Nag-modeling lang ako kasi iyon lang ang alam ko.

“Hindi talaga ako nag-prepare kasi katuwaan lang. Tapos noong mag-call back, hindi rin ako naghanda. Lahat ng mga nakasabay ko naka-make-up at may mga dalang mga sapatos at damit. Ako walang ayos talaga.

“Tapos after a few weeks, may tumawag at sinabing mag-impake na ako sa pupunta na ako ng Manila for the final round ng Starstruck.”

Kahit hindi nanalo si Analyn, kaagad siyang nabigyan ng shows sa GMA-7 tulad ng Once Again at naging guest siya sa A1 Ko Sa ‘Yo at Maynila.

Ngayon ay kasama siya sa cast ng Tsuperhero kung saan siya ang ka-love triangle ng love team nila Derrick Monasterio at Bea Binene.

JOYCE CHING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with