Martin
Boses ni Martin nakakagising ng dugo
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - October 27, 2016 - 12:00am

Magkasabay na ginanap ang Star Awards for Television and Star Awards for Music 2016 ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at naidaos naman ito ng maluwalhati at puno ng saya gaya ng mga nakaraang Star Awards na 30 years na for TV at 8 years naman for Music.

Grabe ang traffic sa dako ng Araneta Cen­ter sa Cubao sa Novotel. Hindi mo malaman kung saan nanggaling ang mga tao. Wala namang dapat ipagtaka kung dagsa ang tao sa lobby at sa napakalaking ballroom nito. Talagang laging inaabangan ang event na ito ng PMPC, na ang mga naunang presidente ay sina Danny Villanueva, Andy Sulao, Tony Martel, Ethel Ramos, Ronald Constantino, Franklyn Cabaluna, Cora Mendoza, Ernie Pecho, Boy de Guia, Letty Celi, Vero Samio, Ricky Calderon, Melba Llanera, Julie Bonifacio, Jose Barrameda, Roldan Castro, at Fernan Guzman na muling nahalal ngayong taong 2016.

Anyway, sa nakaraang Star Awards, isang masayang pagbati at palakpakan sa lahat ng mga nominees at nanalo sa iba’t ibang kategorya. Mabuhay po kayo!

Binabati rin namin ang mga kasama sa PMPC, fans, producers ng Airtime Marketing, Inc. (Jun Howard at Tess Celestino) sa production staff, Director Bert de Leon, writers, guest performers, dancers, singers, hosts ng bawat segment, sponsors, at marami pang iba. Siyempre kabilang na rito ang mga masisipag na marshalls ng Novotel. Salamat po!

Wala talagang mintis ang Concert King na si Martin Nievera. Kahit siguro inaantok ka, magigising ka oras na marinig mo ang timbre ng boses niya. Lahat ng guest performers pala na kumanta at sumayaw ay pawang magagaling! Hanep. Iba talaga ang Pinoy. 

Ang lalim naman ng hugot na pinakawalan ng walang kupas na si Maricel Soriano nang tanggapin nito ang Lifetime Achievement Award, maging ang isa pang Lifetime Achievement Awardee na si Dulce, sa larangan naman ng musika! Si Luchi Cruz Valdez ay nakuha naman ang sa larangan ng Broadcasting. Congratulations to all ulit!

MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with