_pang-masa
^

Pang Movies

Luis at Jennylyn na-awkward nang magsama sa stage!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Luis at Jennylyn na-awkward nang magsama sa stage!
30th PMPC Star Awards For Television

Matagumpay na naidaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang pagtatanghal ng Star For M-TV Awards: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Best kung saan, sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagsabay ang 8th PMPC Star Awadrs For Music at 30th PMPC Star Awards For Television.

Naging maningning ang entablado sa pagdalo ng mga sikat na bituin, mahuhusay ang mga host na sina Luis Manzano, Jodi Sta. Maria, Xian Lim, Kim Chiu, Alex Gonzaga, at Robi Domingo at binuhay ang panonood ng lahat ng mga natatanging performances nina Martin Nievera, Jed Madela, Erik Santos, Darren Espanto, Sam Concepcion, Jason Dy, Yassi Presman, Hashtags, PHD Dancers, at 4th Impact. Ang pinakapinalakpakan ay ang tribute sa Ading Fernando Lifetime Achievement Awardee na si Diamond Star Maricel Soriano nang handugan siya ng kanyang signature dance number ni Yassi Pressman at buong ningning siyang umakyat sa entablado at walang kapagurang sumayaw.

Madamdamin ang mga pananalitang nagmula sa mga Lifetime Achievement Awardee, mula kay Maricel Soriano, Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Awardee Luchi Cruz Valdes, Pilita Corrales Lifetime Achievement Awardee Dulce at Parangal Levi Celerio na si Vic del Rosario na nirepresenta ng anak na si Vic del Rosario, Jr.

Ipinagkaloob naman ang German Moreno Power Tandem Of The Year kina Kim Chui at Xian Lim, ang anak ng Master Showman na si Federico Moreno ang nag-award nito. 

Big winner sa Star Awards for TV ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil humamig ito ng limang parangal namely: Best Primetime Drama Series, Best Drama Actor for Coco Martin, Best Suppor­ting Actor for Arjo Atayde, Best Child Performer for Mcneal “Aura” Briguela and Best New Male TV Personality para kay Xymon “Onyok” Pineda.

May bonus pa dahil sina Arjo ang itinanghal na Male Star of the Night for Music habang si Yassi Pressman naman na isa rin sa cast ng FPJAP ang nanalong Female Star of the Night for TV.

Big winner din si Luis Manzano na nag-uwi ng apat na tropeo namely: Best Male TV Host for ASAP, Best Game Show Host for Kapamilya Deal or No Deal, Best Talent Search Host with Robi Domingo and Kim Chiu for The Voice Kids Season 3 at Male Star of the Night for TV.

Kung may big winner ay may mga first-time winner din at isa na rito si Jennylyn Mercado na hinirang na Best Drama Actress for My Faithful Husband.

Hindi makapaniwala ang Ultimate Star na siya ang mananalo para sa nasabing top award dahil alam niyang mabibigat ang kanyang kalaban. May pinagdadaanan si Jen ngayon dahil may sakit ang kanyang inang si Mommy Lydia Mercado kaya naman ang pagkakapanalo niya ay isang napakalaking magandang balita for her and “a breath of fresh air” kung baga.

First time winners din sina Ria Atayde (Best New Female TV Personality for Maalaala Mo Kaya’s Puno ng Mangga), Kristoffer Martin (Best Single Performance by an Actor for Magpakailanman’s Mag-ama sa Bilangguan), Awra and Xymon.

Isa sa memorable moments ng gabing iyon ay ang pagkikita ng dating magkarelasyong sina Luis at Jennylyn sa stage. Parang pinagtiyap na ang TV host ang nag-announce ng Best Drama Actress at nagkaroon ng awkward moment ang dalawa sa stage.

Si Luis ay halatang parang naiilang at hindi mapakali habang nagsasalita si Jen sa stage habang ang aktres naman, pagkatapos niyang magsalita ay napalingon sa likod at hindi malaman kung kanino ibibigay ang microphone.

Si Luis na ang nagkusang abutin ang microphone kaya sigawan ang audience. Ang nakakatuwa, kitang-kita rin na sinesenyasan ni Luis ang kasama rin sa stage na si Robi Domingo na alalayan si Jen sa pag-akyat at pagbaba sa stage.

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa ABS-CBN Sunday’s Best sa ika-20 ng Nobyembre, 2016. Ito ay mula sa direksyon ni Bert de Leon.

Probinsyano ni Coco namakyaw ng award

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:

BEST TV STATION: ABS-CBN 2  

BEST PRIMETIME DRAMA SERIES: FPJ’s Ang Probinsyano

BEST DAYTIME DRAMA SERIES: Doble Kara

BEST DRAMA ACTRESS: Jennylyn Mercado (My Faithful Husband)

BEST DRAMA ACTOR: Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano)

BEST DRAMA SUPPORTING ACTRESS: Sunshine Dizon (Little Nanay)

BEST DRAMA SUPPORTING ACTOR (tie) Arjo Atayde (FPJ’S Ang Probinsyano) and Arron Villaflor (All Of Me)

BEST CHILD PERFORMER: Mcneal “Aura” Briguela (FPJ’s ang Probinsyano)

BEST NEW MALE TV PERSONALITY: (tie) Simon “Onyok” Pineda (FPJ’s Ang Probinsyano) and Jake Ejercito (God Gave Me You)

BEST NEW FEMALE TV PERSONALITY: Ria Atayde (MMK - Puno Ng Mangga)

BEST DRAMA ANTHOLOGY: Ipaglaban Mo

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS: Claudine Barretto (MMK - Itak)

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR: Kristoffer Martin (Magpakailanman - Mag-ama Sa Bilangguan)

BEST GAG SHOW: Goin’ Bulilit

BEST COMEDY SHOW: Pepito Manaloto

BEST COMEDY ACTOR: Jose Manalo (Hay, Bahay!)

BEST COMEDY ACTRESS: Manilyn Reynes (Pepito Manaloto)

BEST MUSICAL VARIETY SHOW: ASAP

BEST VARIETY SHOW: Sunday Pinasaya 

BEST FEMALE TV HOST:  Anne Curtis (It’s Showtime)

BEST MALE TV HOST: Luis Manzano (ASAP)

BEST GAME SHOW:  Wowowin

BEST GAME SHOW HOST: Luis Manzano (Kapamilya Deal Or No Deal)

BEST NEWS PROGRAM:  (tie) TV Patrol and 24 Oras

BEST MALE NEWSCASTER: Erwin Tulfo (Aksiyon)

BEST FEMALE NEWSCASTER: Vicky Morales (24 Oras)

BEST MORNING SHOW: Unang Hirit

BEST MORNING SHOW HOST: Anthony Taberna, Jorge Cariño, Atom Araullo, Amy Perez, Winnie Cordero, Ariel Ureta, Gretchen Ho (Umagang Kay Ganda)

BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM: The Bottomline

BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM HOST: Boy Abunda (The Bottomline)

BEST TRAVEL SHOW: Biyahe Ni Drew

BEST TRAVEL SHOW HOST: Drew Arellano (Biyahe ni Drew)

Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Award - Luchi Cruz Valdes

German Moreno Power Tandem Of The Year  - Kim Chui & Xian Lim

CONCERT OF THE YEAR: Love Catcher (Lani Misalucha)

MALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR: Martin Nieve­ra (Royals)

FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR: Sarah Geronimo (From The Top)

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR: Jed Madela (Iconic/Star Music)

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR: Jolina Magdangal (Back To Love/Star Music)

BEST NEW MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR: (tie) Derrick Monasterio (Derrick Monasterio/GMA Records) and Idolito dela Cruz (Ngayong Nandito Ka/ DB Energy Music Co.)                               

BEST NEW FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR: Janella Salvador (Janella Salvador/Star Music)

PILITA CORRALES LIFETIME ACHIEVEMENT: Dulce

PARANGAL LEVI CELERIO: Vic del Rosario

LUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with