^
Arci lalayas na sa manager!
Arci Muñoz

Arci lalayas na sa manager!

Jun Lalin (Pang-masa) - October 21, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang tsikang hindi na raw magre-renew sa Viva Artists Agency (VAA) ng kanyang management contract si Arci Muñoz.

Co-manage nina Boss Vic del Rosario at Annabelle Rama si Arci, pero ang VAA ang nakatutok na sa career ngayon ng sexy actress.

Paborito ngayon sa ABS-CBN si Arci at balitang ang Star Magic na raw ng Kapamilya network ang hahawak sa career ng Starstruck alumna.

Ipinarating namin kay Tita Annabelle na may nagtanong sa akin ng bagay na ‘yon at sinabing nabanggit nga raw sa kanya ni Boss Vic ang tungkol doon.

Tila wala namang “violent reactions” sina Tita Annabelle at Boss Vic sa gustong gawin ni Arci.

Pak! Ganern! go! nina Vice at Coco nagmamadali na para sa MMFF

Ratsada ang shooting ngayon nina Vice Ganda at Coco Martin para sa Pak! Ganern! Go! at kahit ngaragan, hindi raw nagrereklamo ang dalawang bida sa pelikulang idinede­rehe ni Bb. Joyce Bernal.

Aware ang mga artista ng Pak! Ganern! Go! na kailangan nilang matapos ang shooting ng nasabing pelikula sa October 29 dahil may post-production pa sila at isa-submit kaagad ang pelikula sa deadline ng Metro Manila Film Festival 2016 sa katapusan ng buwang ito.

Ang ibang mga parte raw ng pelikula ay na-edit na at ‘yung mga huling kukunan na lang daw ay sa bandang ending na rin ng pelikula, kaya umaasa ang mga kasali sa pelikula na makakahabol sila sa deadline.

Ang Star Cinema ang producer ng Pak! Ganern! Go! at hindi masigurado ng mga taga-production kung kasosyo ba roon ang Viva Films.

Sexy star type tikman ng congressman

Totoo ba ang tsikang pangarap daw ng isang congressman na isama sa ibang bansa ang isang sumisikat na sexy TV star ngayon?

Natsika na nakasama ng isa pang congressman ang sexy TV star noon sa ibang bansa at may pagka-“bilmoko” nga raw ang peg ng babaeng ‘yon.

Pero huwag daw pagdudahan, hanggang shopping lang daw ang ginawa ni sexy TV star at ng naunang congressman, huh!

Matupad kaya ang pangarap ni second congressman na makasama sa ibang bansa si sexy TV star? In fairness, chance encounter lang ‘yung kay sexy TV star at sa naunang congressman sa ibang bansa at hindi naman daw talaga sila nagpunta roon na magkasama.

Ruffa tinatago pa rin ang BF kay Annabelle

Bukas ang second night ng Sharon, ang two-night concert ng Megastar na si Sharon Cuneta sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Parehong manonood ng Sharon ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Iba ang kasama ni Tita Annabelle at iba rin ang kasama ni Ruffa.

For sure, hindi ang boyfriend na si Jordan Mouyal ang isasama ni Ruffa sa panonood ng concert  dahil nandoroon ang nanay niya.

Umiiwas si Ruffa na makita ng nanay niya na kasama niya si Jordan para wala na lang friction.

Very vocal pa rin kasi si Tita Annabelle sa pagsasabing hindi pa rin niya tanggap ang boyfriend ni Ruffa.

VIVA ARTISTS AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with