Ina Raymundo
Ina hindi tumataba kahit malakas lumamon
Jun Lalin (Pang-masa) - October 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ang bagong series na Trops ang papalit sa Calle Siete na magtatapos na bukas.

Ang Trops na ang magiging pre-programming ng Eat Bulaga simula sa Lunes.

Ang That’s My Bae winners ng Eat Bulaga ang mga magbibida sa Trops.

Kasama sa That’s My Bae series si Ina Raymundo.

In fairness, napaka-sexy pa rin ni Ina hanggang ngayon at masasabing katakam-takam pa rin ang kanyang pangangatawan kahit lima na ang kanyang anak.

Nang makatsikahan namin si Ina sa presscon ng Trops, inisip namin na bukod sa pag-e-exercise, panay din ang diet niya, pero mali pala kami dahil nang makaalis na ang mga tao sa nasabing event, kumain na si Ina ng marami.

Bukod sa chicken, fish at iba pa, kumain din ng pasta si Ina.

Marahil ay mabilis talaga ang metabolism niya dahil kahit kumakain siya, napaka-sexy pa rin niya. 

Pauleen hiyang kay Vic

Nakita namin sa backstage ng Eat Bulaga si Pauleen Luna.

Napansin namin na mas sexy ngayon si Pauleen kesa noong bago sila ikasal ng mister niyang si Vic Sotto.

Very blooming din ngayon si Pauleen at obvious na hiyang sa pagiging misis ni Bossing Vic!

INA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with