^

Pang Movies

Pagbu-bold ni Lovi kasama ang sawa, kinainisan ng mga lalaki!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maraming nagulantang sa biglaang pagbu-bold ni Lovi Poe sa isang pictorial. Hindi naman kasi panahon ng bold ngayon. Ano kayang ideya ang pumasok sa kanya para isipin niya ang pagpapa-sexy? 

Hindi rin naman bold ang tema ng teleseryeng kinabibilangan niya sa GMA-7 ngayon at isa pa, hindi naman uso ang paghuhubad ngayon sa movie at kahit sa telebisyon.

Sabi nga, wala raw sa tiyempo ang pagbu-bold ng dalaga saka hindi na uso ang pagpaseksi ngayon na may kasamang sawa. 

Narinig nga namin ang sabi ng ilang kalalakihan, paano ka mati-turn on sa pictorial ni Lovi eh, may kasamang ahas? Kesehoda pang sa ibang bansa kinunan ang pictorial ng dalaga, hindi totoong may kinalaman sa break up nila ni Rocco Nacino pagpapaseksing ito kaya sabi nga nila, wala sa tiyempo.

Baklang host ng Wowowin, bumigay kay Ariella

Umugong ang tawanan sa studio ng Wowowin noong magpahayag ng paghanga at handang pakasalan si Ariella Arida kung magugustuhan siya ng komedyanteng singer at bading na si Super Tekla.

Bagong discovery ni Willie Revillame si Tekla at wala namang problema dahil lalaki rin si Tekla dahil may isa siyang anak na nasa Ilo-Ilo. Halos takasan ng bait si Ariella sa katatawa nang magpahayag ng paghanga si Tekla. Imagine, sa rami ng mga babaeng co-host niya sa Wowowin ay siya lang ang nagustuhan ni Tekla.

Magaling na singer at komedyante si Tekla at big hit ang tambalan nila ni Donita Nose na look-alike ni Chanda Romero noong bata pa siya. Tawanan talaga ang mga nanonood basta nakasalang na ang dalawa sa stage.  

Samantala, masaya si Ariella sa paghu-host sa Wowowin dahil napalapit na siya sa masa at naging confident sa pagharap sa maraming tao.

Regine Angeles natitipuhan ng produ

Ikinuwento ni Mike Magat na masaya raw sa shooting ng pelikula nilang Batang Lansangan na pagbibidahan nina Buboy Villar, Jeffrey Santos, at Miguel Antonio

Napansin daw ng marami sa set habang nagsu-shooting sila sa Pampanga na may pagtingin ang baguhang actor na si Lito Dela Cruz na isa ring singer kay Regine Angeles na kapareha niya sa pelikula.

Well, wala namang masama dahil bagay silang dalawa. Para kasing kinikilig si Lito tuwing may eksenang pumoporma siya kay Regine.

Si Lito ay co-producer ni Mike sa naturang movie na malapit nang ipalabas.

Isyu ni Andi at ng anak dapat nang tuldukan

May nagtatanong, kailan daw kaya matutuldukan ang katanungang kung sino ba ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann? Kasi naman daw, tuwing may bagong project si Andi ay ang isyu na lang na ito ang paulit-ulit na pinag-uusapan. Kailan nga ba?!

                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with