Nagbago ang isip Kris gustong bumalik sa ABS-CBN!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 26, 2016 - 12:00am

Hindi believable sa iba ang balita na type ni Kris Aquino na bumalik sa ABS-CBN. Pero kung kilala nila ang tunay na Kris Aquino, capable ito na bumalik sa ABS-CBN, kahit naglabas na siya ng pralala na nag-babu na siya sa Kapamilya Network at pumirma ng kontrata sa APT Entertainment.

Napag-uusapan na naman si Kris dahil sa mga report na hindi natuloy noong nakaraang linggo ang taping ng show niya sa APT Entertainment.

Hindi naman malalaman ng madlang-bayan na may taping na si Kris para sa kanyang bagong television prog­ram kung hindi niya ipinamalita, sa ngalan ng mga free publicity.

Miss Ecuador waging Miss Global

Luz Valdez sa Miss Global 2016 si Camille Hirro ng Pilipinas pero hindi naman ito umuwi nang luhaan dahil siya ang first runner up. Si Miss Ecuador Angel Bonilla ang nag-win ng korona ng Miss Global at siya ang nanalo dahil sa kanyang short but sweet na sagot sa question and answer.

Natalo si Hirro dahil masyadong mahaba ang sagot niya. Kung ginaya ni Hirro ang pagsagot ni Bonilla, baka siya ang nanalo at naging first Pinay na naka-getlak na Miss Global.

Hosts ng Miss Global 2016 sina Derrick Monasterio at 2005 Miss Universe Natalia Glevoba. Malaki na ang ipinagbago ng face value ni Natalia mula nang manalo siya na Miss Universe noong 2005 dahil nagkaedad na rin siya.

In the news ngayon ang mga ex-Miss Universe dahil may balita na muling babalik ng Pilipinas si 1993 Miss Universe Dayanara Torres para maging judge ng Miss Universe 2016 na magaganap sa Mall of Asia Arena sa January 30, 2017.

I’m sure, hindi tatanggihan ni Dayanara ang offer na ma­ging hurado ng Miss Universe 2016 dahil may special spot sa kanyang puso ang Pilipinas. Matagal na namalagi sa Pilipinas si Dayanara noong dekada ‘90 dahil nagkaroon siya ng showbiz career sa bayan natin. Gumawa ng pelikula sa Star Cinema si Dayanara at naging mainstay siya ng mga programa ng ABS-CBN at ABC 5 na TV5 na ngayon.

Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend may playdate na

Sa October 19 na pala ang playdate ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? ng Viva Films. Marami na ang nag-aabang sa pelikula nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros, at Dennis Trillo dahil nga sa magandang teaser ng pelikula. May mga special guest sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? at karamihan sa kanila ay mga paminta, ang mga mhin na nagpapanggap na mga tunay na lalaki, kahit tanungin n’yo pa si Prince Stefan na ini-enjoy nang husto ang paglaladlad niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with