Jackie Ejercito may paandar sa 50th birthday
Joe Barameda (Pang-masa) - September 4, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tama ang hinala namin noon na si Jackie Ejercito Lopez ang hahalili sa kanyang ina na si former Senator Loi Ejercito Estrada bilang Chairman ng MARE Foundation na 1996 inumpisahan nina Dra. Loi at mga kumare niya.

Madalas namin nakikita lately na very visible si Jackie sa mga aktibidades ng MARE sa mga depressed area ng Manila na ngayon ay ang kanyang amang si President Erap Estrada ang mayor.
May soft spot sa puso ni Jackie ang mga senior citizen at mga bata. Nagiging emosyonal nga si Jackie kapag sila ang pinag-uusapan.  
Sa Sept. 7, sa kanyang 50th birthday, may malaking event sa Manila, para sa kids, lolos/lolas, at para sa mga new members ng MARE! Sa araw na ‘yon din, ililipat na ni Dr. Loi ang chairmanship ng MARE kay Jackie.

Tutulungan naman siya ng asawa ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy bilang Vice Chairman. Saksi kami kung papaano mag-alaga at mag-asikaso sa mga bata ang dalawa.

Lovi alagang-alaga ng ex 

Walang third party ang hiwalayang Lovi Poe at Rocco Nacino. Ito ang sinabi ni Lovi Poe noong Martes ng hapon nang makausap namin.

Siya talaga ang nakipaghiwalay para sa mga career nila. Inamin niya na hindi daw madali ang ginawa niya pero kinakaya naman daw niya. Nandun pa rin sa puso niya si Rocco at wala pang kapalit. 
Sa ngayon ay abala siya sa taping ng Someone To Watch Over Me kasama si Tom Rodriguez. Bale ito ang pagbabalik ng Primera Aktresa sa primetime bilang kapalit ng My Happy Juan Love Story. 
Ilang araw din silang nag taping sa Vigan kung saan nakatira ang ex niyang si Ronald Singson. Kahit wala si Ronald sa mga panahong nandun daw sila ay inasikaso daw sila ng staff ng mga Singson na siguradong binilin ‘yun ni Ronald.

Magsisimula na bukas, Lunes ang Someone To Watch Over Me sa GMA.

BISPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with